Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 foreign studs ng PATTS timbog sa damo
2 foreign studs ng PATTS timbog sa damo

2 foreign studs ng PATTS timbog sa damo

ARESTADO ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo nang tangkaing iwasan at takasan ang nakalatag na Oplan Sita ng Manila Police District (MPD) dahil sa dala nilang ilegal na droga sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ni MPD Station 9 commander, Supt. Rogelio Ramos, kinilala ang mga suspek na sina Omar Alhamedi, 24, Yemeni national, at Omar Ibrahim, 20, Sudanese national, kapwa estudyante sa PATTS College of Aeronautics, at residente sa Parañaque City.

READ MORE:  Mag-ina ng heneral tostado sa sunog

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:45 am, iniwasan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo ngunit kapwa walang helmet, ang Oplan Sita na nakalatag sa P. Ocampo St., Malate. Gayonman, naharang sila ng mga pulis ng MPD Adriatico PCP.

READ MORE:  Leni Robredo: LP senatorial slate subok at maaasahan

Nang kapkapan ang dalawa, nadiskobre ang pinatuyong marijuana kaya inaresto sila ng mga pulis.

READ MORE:  Dinukot sa Sulu ‘di empleyado ng Globe

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9165 Sec. 11, Art. II (possesion of illegal drugs) at R.A. 10054 bunsod ng hindi pagsusuot ng helmet. (BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved