Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard, matagal nang dream makaganap bilang vampire
Richard, matagal nang dream makaganap bilang vampire

Richard, matagal nang dream makaganap bilang vampire

AMINADO si Richard Gutierrez na nang mabasa niya ang script o ang story line ng karakter na gagampanan niya sa La Luna Sangre, alam niyang ang project na itoý perfect para sa kanya.

“To portray as a vampire was always a dream of mine as an actor, and doing something like this as my first project in ABS-CBN, is really good path for me,” ani Richard sa pa-presscon sa kanya ng ABS-CBN kahapon pagkatapos niyang pumirma ng kontrata.

Gagampanan ni Richard ang papel ni Sandrino, ang chief vampire sa La Luna Sangre at ang nawawalang anak ni Magnus (Jake Roxas).

Ani Richard, marami-rami na siyang naitape at kung lalabas siya sa pilot episode ay iyon ang dapat abangan, pero hangang-hanga siya sa team ni Direk Cathy Garcia-Molina sa galing ng mga ito.

Sinasabing malaki ang role o parte ni Richard si LLS na mapapanood siya mula umpisa hanggang katapusan.

Natanong si Richard kung paano niya gagawing markado ang pagiging bampira dahil marami na nga namang vampire movies, vampire roles. “Actually, that’s the exciting part, the very challenging part also for me. To create my characters and make it one of the best. I’m also thankful that I’m surrounded by a creative mind like direk Cathy. It’s a vampire role but were not making it dark, very dark  character, were gonna make it by attacking it differently, having some light moment and we’re gonna do the best we can. To give life to Sandrino into a collaborative way and just happy to be surrounded by people like Direk Cathy.”

Sinabi pa ni Richard na kinailangan niyang gumawa ng research para mas maging maayos ang karakter na gagampanan niya,”Yes, actually I had to dig deep by this character. Prepare mentally, physically, and research. I do my research and homework, I’ve watch movies and series, so I’m aware of what vampires I made of.”

Pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang La Luna Sangre na pangatlong yugto ng hit fantasy franchise matapos ang Lobo at Imortal.

Kasabay ng presscon kahapon ay ang katatapos na pagpirma ng actor ng kontrata sa Kapamilya Network na ang una ngang proyekto ay itong teleseryeng ididirehe ni Molina sa ilalim ng Star Creatives ng ABS-CBN.

RAINING HUNKS
SA GABI
NG SKIN MAGIC

060117 rodjun tom marco luis

INULAN ng mga hunk ang award at incentive night ng Skin Magical, isang skin whitening products company sa ilalim ng Pore It On Cosmeceuticals, Inc., noong Sabado ng gabi sa Grand Ballroom ng Crown Plaza Hotel. Punong abala ang napakaganda at mabait na may-ari ng direct selling company na ito si Mrs. Ghie Pangilinan.

READ MORE:  Julia Montes, aalis nga ba ng Dos para sa Mulawin vs. Ravena?

Nag-perform ang mga nagguguwapuhang hunk na sina Tom Rodriguez, Marco Alcaraz, Rodjun Cruz, at Luis Alandy. Nagsilbing host naman sina Betong Sumaya at ang seksing si Dianne Medina.

Kasabay nito ang pagpapakilala sa latest endorser ng Skin Magical na si Bangs Garcia. Makakasama na siya sa roster of endorser ng produktong ito tulad nina Aubrey Miles, Marian Flores, Sunshine Garcia, DJ ChaCha, at Valerie Concepcion.

Nagbigay naman ng inspirasyong pananalita ukol sa leadership ang sikat na international speaker na si Anthony Pangilinan.

Ang Skin Magical bagamat bago pa lamang ay patok na sa mga distributor at direct seller.

JOLINA, BUKAS-PALAD
NA TINANGGAP
ANG MGA PAGBABAGO
KAY PELE

060117 Super Twins Diapers jolina

GULAT na gulat ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta sa mga pagbabagong nakikita nila sa kanilang tatlong taong gulang na anak na si Pele.

“Before, alam ko lang na sobrang observant ni Pele, curious siya sa mga bagay sa paligid niya. Ngayon, nagugulat na lang kami na may mga word or phases siyang sasabihin na hindi naman namin itinuturo o ginagamit.

“Pati mga kanta na minsan niya lang narinig, naaalala niya at minsan bigla na lang kakanta kahit tono lang o iba-iba ang lyrics,” pagae-share ni Mark.

“Dati, he usually plays in one place pero ngayon takbo na siya ng takbo, talon ng talon. So kung before, he wears Super Twins Premium Baby Diapers, ngayong lumalaki na siya and with his more active behavior, people now uses the New Super Twins Easy Wear Baby Pants,” pagri-reveal naman ni Jolina.

Samantala, Malaki pa rin ang pasasalamat ni Ms. Aileen Choi-Go, VP for Marketing of Megasoft Hygienic Products Inc., sa pamilya nina Jolens at Mark dahil sa loob ng dalawang taon ay ang pamilya pa rin ng aktres at singer ang nag-eendoso ng Super Twins brand.

“As a family, Jolina, Mark and Pele personify the qualities of family, Jolina, Mark and Pele personify the qualities of Super Twins Premium Diapers and the new Super Twins Easy Wear baby pants-providing  support and comfort for baby as he happily explores and enjoys learning and playing.

READ MORE:  Maliliit na movie producers, tutulungan ni Petilla

“The New Super Twins Easy Wear Baby Pants’ leak control channel quickly absorbs and draws away wetness from skin to avoid irritation. The liquid lock layers away liquid to prevent leaks while the cottony top sheet keeps baby cool and dry to minimize diaper rush.

“And of course, Jolina is fashionable just like our Super Twins Premium Baby Diaper and the New Super Twins Easy Wear Baby Pants with the fashionable denim design,” sambit pa ni Ms. Aileen.

At ang pagbabago kay Pele ay tinanggap naman ng mag-asawa na lumalaki bilang mabait at mapagmahal na anak.

“Our journey as parents only makes us feel blessed everyday. All the sacrifices, all the hardwork, all the patience, lahat ng pagod, lahat napapalitan ng saya makita mo lang ýung ngiti sa kanya. Lalo na kapag lumapit sa iyo, yayakapin ka at sasabihin ni Pele, “I love you mama, I love you papa.’ It’s all worth it,” dagdag pa ni Jolens.

“We must have done something really good to deserve this kind of love. This experience is not only making us better parents but better people,” sambit pa ni Mark.

“And we could have not done it without the support of people around us including our Super Twins Family and to them we say ‘thank you’,” dagdag pa ni Jolina.

GERALD AT ARCI,
BALIK TAMBALAN
SA CAN WE STILL
BE FRIENDS

060117 arci gerald

ISASARA ng Star Cinema ang ikalawang quarter ng taon sa nalalapit na showing ng Can We Still Be Friends, ang pinakamalaking romantic movie ng season, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Arci Muñoz.

Sa ilalim ng direskiyon ni Prime Cruz at sa panulat ni Jen Chuaunsu, ang Can We Still Be Friends ay isang love story na ipinagdiriwang ang ‘di matinag na millennial spirit. Tinatangka nitong tanungin kung maaari ba talagang maging magkaibigan ang dalawang taong dating magkasintahan.

Nakasentro ang pelikula kina Digs (Anderson), isang no fuss, no frills na lalaki at ang idealistic achiever na si Sam (Muñoz) na dating magkaibigan na naging magkasintahan na ngayon ay mag- ex na. Tumagal ng halos walong taon ang kanilang relasyon hanggang pareho silang nagdesisyong  kailangan nang maghiwalay. Habang magkahiwalay nilang hinaharap ang dating world, patuloy ang dating magkasintahan sa pag-check sa bawat isa under the guise of “friendship.” Ito ay magiging kompetisyon kung sino sa kanila ang unang magkakaroon ng bagong relasyon. Sa bandang huli madidiskubre nila na isa sa kanila ay may nararamdaman pang pag-ibig sa isa.

READ MORE:  Mga serye ni JC, nagmarmarka!

Karapat-dapat banggitin na ito ang pinakahihintay na grand movie comeback ng Team Lablab matapos ang kanilang blockbuster hit noong 2016 na Always Be My Maybe. With such notable works naman tulad ng The Manananggal Unit 23B at Sleepless, minamarkahan naman ng Can We Still Be Friends ang directorial debut ni  Cruz sa ilalim ng Star Cinema.

Ang Can We Still Be Friends ay ang pagbabalik ni Gerald sa pinilakang tabing mula noong back-to-back success ng Always Be My Maybe at How To Be Yours noong nakaraang 2016. Sa kanyang daily series na Ikaw Lang Ang Iibigin, si Gerald, na ipinagdiriwang ang higit isang dekada bilang isa sa pinaka-accomplished na batang aktor ng ABS-CBN, ay itinuturing ngayon bilang millennial leading man ng Star Cinema sapagkat kinakatawan niya ang kahulugan ng pagiging guwapo, matagumpay, sariwa, hip, bata, at ubod ng talentado.

Si Arci naman ay nananatiling isa sa pinakaseksing batang aktres sa industriya. Itinuturing din siyang isa sa pinakamainit na dalaga sa showbiz. Kinakatawan naman ni Arci ang archetypal sexy rom-com leading lady, isang babae na nag-uumapaw ang sensualidad ngunit nakatutuwa at very identifiable sa fans.

Sabay bibigyang buhay nina Gerald at Arci ang mga universally relatable characters nina Digs at Sam sa napapanahong love story na ito na sinisiyasat kung paano naapektuhan ng mga current art forms at sensibilities, at pati na rin ang mga modernong teknolohiya, tulad ng dating apps gaya ngTinder, ang millennial community sa kanilang mga relationship.

Pinagsama-sama rin ng Can We Still Be Friends ang mahuhusay na millennial supporting cast na pinangungunahan nina Bryan Santos, Ria Atayde, Brian Sy, Gege Severo, Erika Padilla, Markie Stroem, at Emmanuelle Vera.

Ipalalabas ang Can We Still Be Friends sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Hunyo 14.

SHOWBIZ KONEKMaricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved