Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, idinaramay ang mga kasambahay sa pagdidiyeta
Aktres, idinaramay ang mga kasambahay sa pagdidiyeta

Aktres, idinaramay ang mga kasambahay sa pagdidiyeta

KUNG ang isang amo ba’y nagpapa-sexy sa pamamagitan ng pagda-diet, makatarungan bang idamay nito ang kanyang mga kasambahay?

Ito ang himutok ng mga kasama sa bahay ng isang ‘di na gaanong aktibong aktres na may sinusunod ngang diet regimen pero tulad ng kanyang ginagawang pagpapagutom ay idinaramay niya ang mga ito.

READ MORE:  Sofia, hopeless na kay Iñigo (Sa pagsulpot ng bagong ka-loveteam na si Julia)

Kuwento ng isa sa kanila, “Naku, si ma’am, imbiyernang-imbiyerna kapag naamoy niya ‘yung piniprito naming isda! Kesyo malansa raw ang amoy, kesyo mausok sa kusina…eh, anong gusto niyang kainin namin, ‘yun ding kinakain niya sa pagdidiyeta niya?”

Hindi naman anila makatwiran ang gustong mangyari ng kanilang amo. Saan daw sila kukuha ng enerhiya sa maghapong pagtatrabaho sa bahay kung ang kakainin nila ay puro mga kung ano-anong dahon, kapirasong isda at walang kanin?

READ MORE:  PNoy, sa isang restoran sa Makati madalas dinadala ang ka-date

“Si ma’am, afford niyang mag-diet na ganoon lang ang kinakain dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay. Taga-utos lang siya sa amin, eh, kaming napapagod ang katawan, ‘yun lang ang ipakakain niya sa amin?”

READ MORE:  Jhong, sobrang apektado sa nangyari kay Vhong

Da who ang aktres na bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Marilen Balboa.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved