Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beteranang aktres, nantuso raw ng balikbayang kaibigan
Beteranang aktres, nantuso raw ng balikbayang kaibigan

Beteranang aktres, nantuso raw ng balikbayang kaibigan

KUNG tutuusi’y hindi na bago ang kuwentong ito tungkol sa isang beterang aktres.

May “sequel” kasi tungkol sa pagiging tuso niya. Kamakailan ay nakipagkita sa kanya ang isang balikbayan friend, bitbit nito ang pitong iba’t ibang panindang branded bags.

Ang siste, nang mailatag na ng negosyante ang kanyang mga kalakal ay walang kaabog-abog na dinampot ng aktres ang isa roon.

READ MORE:  Yul, puring-puring katrabaho si Nora

Hindi pa siya nakuntento, binitbit din niya ang anim pang branded bags. Ang sabi’y ibebenta niya ‘yon.

Dumaan ang ilang araw. Asang-asa ang negosyante na sa anim na bags ay may naibenta man lang kahit ilang piraso ang katransaksiyon niya.

READ MORE:  Yam Concepcion naghihintay

Kaso, nang muling magpakita sa kanya ang aktres ay isinauli ang mga ‘yon, pero kulang ng isa. ”Naku, limang bag lang ‘yung kinuha ko sa ‘yo!”halos makipagpatayang giit nito.

Pero natuklasan ng negosyante na ‘yung missing bag ay nasa ibang tao na, na-trace ‘yon dahil sa serial number.

READ MORE:  Chloe Sy ng Belladonnas, type ‘makalampungan’ si Piolo Pascual

Pero kung inakala n’yong napahiya ang showbiz personality dahil sa pandaraya niya, nagpalusot na lang ito na babayaran na lang niya ang bag na ‘yon.

Da who ang aktres? Itago na lang natin siya sa alyas Dahlia Romulo.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved