Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / P6 Bilyong shabu sa Vale warehouse nasakote sa husay at galing ng Customs intel

P6 Bilyong shabu sa Vale warehouse nasakote sa husay at galing ng Customs intel

052917 Shabu P6-B PDEA Customs

IPINAKIKITA sa mga mamamahayag ng mga opisyal ng Phi-lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang 604 kilo ng shabu, P6 bilyon ang halaga, makaraan makompiska sa De Castro Subdivision, Paso de Blas, at Brgy. Ugong, Valenzuela City, kamakailan. (RAMON ESTABAYA)

ANIM na bilyon…

Mahirap lang pong paniwalaan pero ‘yang P6-B shabu na nasakote ng Bureau of Customs (BoC), hindi po tsamba ‘yan.

Talagang trinabaho po ng BoC CIIS sa pangunguna ng kanilang hepe na si Director Neil Estrella at ID chief Joel Pinawin ang isang shipment na matagal na nilang tinutugaygayan hanggang mai-swak nila sa ‘control delivery.’

Ang ibig pong sabihin nito, hinayaan lang muna nilang magtagumpay ang transaksiyon bago nila isinakote.

Kagulat-gulat at talagang mapapa-HA! ang sinomang nakakita sa sa nasakoteng shabu.

Mantakin ninyo kung lumarga sa merkado ‘yang P6 bilyong shabu?!

Ilang buhay na naman ang sisirain ng ilegal na droga na ‘yan?!

Kaya naman, nakatutuwa talaga ang trabahong ito ng BoC CIIS.

Kudos, BoC CIIS chief, Neil Estrella at sa iyong mga tauhan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Sen. Ping Lacson nadaig ang p——ina ni tatay Digong (Sa double standard policy)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved