Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Seguridad sa NAIA hinigpitan ng ASG

Seguridad sa NAIA hinigpitan ng ASG

PARA sa mahigpit na seguridad, pinaghuhubad ng sapatos ang mga umaalis na pasahero, piloto at flight crew para isailalim sa X-ray machine sa final security check sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) terminals. Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang 60-araw ng martial law sa Mindanao. (JERRY YAP)

NAKAALERTO ang mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security group sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport, habang ipinatutupad ang martial law sa rehiyon ng Mindanao.

READ MORE:  10 armadong lalaki tinangkang pasukin si Sec. Lorenzana
READ MORE:  Bugaw na bebot niratrat sa hagdan ng Int’l Cabaret

Todo-bantay ang mga pulis sa paparating at papaalis na mga pasahero sa paliparan.

Nitong Huwebes ng u-maga, ilang miyembro ng Gabinete, kabilang sina PNP Chief Ronald “Bato” De La Rosa, Department of Transportation Sec. Art Tugade at Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar, ang lumipad patungong Davao City para sa isasagawang Cabinet Meeting na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

READ MORE:  15 pulis aasuntohin sa paglabag sa human rights

Ayon sa ulat, inihayag ni Secretary Tugade, dapat maging kalmado ang mga mamamayan at dapat “business as usual” lamang ang lahat.

Habang iginiit ni Secretary Andanar, walang dapat na ikabahala ang taong-ba-yan, at wala ring dapat ipa-ngamba ang lehitimong mga mamamahayag dahil hindi naman sila pagbabawalan na mag-cover sa martial law sa Mindanao.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 
Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved