Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tetay, may pag-asa pa sa CRA movie
Tetay, may pag-asa pa sa CRA movie

Tetay, may pag-asa pa sa CRA movie

Ayon kay Kevin Kwan, ang sikat na writer ng librong pinagbatayan ng pelikula, na ang titulo rin ay Crazy Rich Asians, hindi pa naman buo ang cast ng pelikula. May idaragdag pa sila. Puwede pa rin ngang mapasali sa cast si Kris—dahil panay may Asian blood ang lahat ng kukunin nilang artista.

Pero baka ‘di na major role ang i-offer kay Kris. Okey pa rin naman ‘yon, lalo na’t kung bibigyan naman siya ng publicity.

Kabilang si Kevin sa executive producers ng pelikula na idinidirehe na ni Jon Chu.

Romantic comedy ang pelikula na nagtatampok kina Constance Wu, Henry Golding, Gemma Chan, Awkwafina, Michelle Yeoh, and Ken Jeong. Si Henry ay isang baguhang guwapong Tisoy na Asian ang ina at inilulunsad sa stardom bilang leading man ni Wu.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved