Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shaina, planong mag-madre kaya wala pang BF
Shaina, planong mag-madre kaya wala pang BF

Shaina, planong mag-madre kaya wala pang BF

“PARANG planong mag-madre yata ni Shaina (Magdayao), tawag nga sa kanya, sister Shaina,” ito ang tumatawang sabi sa amin ng ate Sheila Moreno ng aktres nang makita namin kamakailan sa coffee shop kasama ang kaibigan.

Kinumusta kasi namin ang dalaga kung sino ang boyfriend ngayon ng kapatid, “wala naman, wala namang sinasabi sa amin at wala kaming nakikita. Busy sa taping niya, ‘di ba, ‘The Better Half’?” kaswal na sagot sa amin.

READ MORE:  Derek, bumalik ang excitement sa paggawa ng movie dahil kay Lovi

Hindi na kami nagtanong pa tungkol sa aktor na nali-link sa dalaga dahil mukhang wala naman talaga dahil hindi showbiz ang ate Sheila ng aktres at alam naming nagsasabi ng totoo.

Bukod sa tapings ay abala rin ang magkakapatid sa kani-kanilang mga negosyo. Katunayan, 19 years na ang Ystilo Salon nila sa Nobyembre 2017.

“Awa ng Diyos, Reggee, malakas naman maski maraming competition. Kabubukas nga lang namin ng Davao branch nito lang,” sabi pa ni ate Sheila.

READ MORE:  Ikaw Lang ang Iibigin, nangunguna pa rin sa pang-umagang timeslot

Samantala, base sa umeereng kuwento ng The Better Half ngayong lingo, pipilitin ni Camille (Shaina) na alagaan si Marco (Carlo Aquino) kahit pa pigilan siya ng kanyang asawang si Rafael (JC De Vera).

Dahil nga iniligtas ni Marco ang buhay ng pamilya ni Camille mula sa sunog kaya may utang na loob siya sa rating mister at tutulungan itong gumaling sa pinsalang nakuha sa sunog.

READ MORE:  Sarah at Matteo, super sweet nang nanood ng concert ni Ed Sheeran

Pero pangungunahan ng selos si Rafael dahil para sa kanya, hindi na kailangan pang magkita ang dalawa.

Ngunit magiging mapilit naman si Camille na magiging dahilan ng pagkakagulo ng kanilang pagsasama na duda naman si Rafael na hindi lang utang na loo ang tinatanaw ng asawa kay Marco.

Mapapanood ang The Better Half pagkatapos ng Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved