Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sikat si PO3 Hingi ‘este Maglutac ng pandacan
Sikat si PO3 Hingi ‘este Maglutac ng pandacan

Sikat si PO3 Hingi ‘este Maglutac ng pandacan

Isang sumbong ang ipinarating sa atin tungkol sa isang sikat na pulis ngayon sa Pandacan na si PO3 Francis  Maglutac (Pransis Maglutak ) alyas Pogi na nagpapakilalang bagman daw siya ng MPD Station 10 sa Pandacan.

Alam kaya ni P/Supt. Rolando Gonzales ang lakad nitong si Maglutac!?

Pero maraming pulis-Pandacan ang umaangal kay alias Pogi dahil ang assignment raw nito ay sa PCP Labores?

Sonabagan!!!

Halos linggo linggo, e wala raw ginawa itong si alias Pogi kundi ipanghingi ang kanilang presinto!?

Kesyo walang aircon ang opisina ni chief, sira ang CCTV, ipaaayos ang kotse ng bossing, may ipapa-change oil, kailangan ng TV sa opisina, may operation kuno at may pabasa pa raw ang presinto nitong nakaraang mahal na araw.

Wattafak!?

MPD DD Gen. Joel Coronel, maunawain naman ho ang Bulabugin kaya hihintayin ko na lang ang palusot ‘este paliwanag ni Kernel Gonzales at PO3 Magtulac!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Biding-bidingan sa pangkalahatang kolektong sa Maynila tablado kay Kernel Coronel!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved