Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tetay, bibigyan ng GC ang nam-bash kay Bimby
Tetay, bibigyan ng GC ang nam-bash kay Bimby

Tetay, bibigyan ng GC ang nam-bash kay Bimby

Kapuna-punang parang nagiging mapagpatawad ang showbiz celebrities ngayon. Sina Kris Aquino man at Daniel Padilla ay pinatatawad na lang ang bashers nila sa social media.

Pinatawad ni Daniel ang mistulang pagpaparunggit sa kanya ng singer na si Richard Reynoso tungkol sa performance ng batang aktor noong halos katatapos lang na Bb. Pilipinas beauty pageant.

Ayon sa isang social media posting ni Richard, ‘di tama na ‘pag kumanta ang isang singer bilang paghaharana, ‘di dapat magmukhang background na lang ang mga babaeng hinaharana.

READ MORE:  Vice Ganda, nawala na ang tampo kay Daniel Padilla!

Sagot ni Daniel sa isang interview sa kanya, lumabas din sa social media, “Baka nga may ‘di tama sa mga ginawa ko roon. Pasensiya na po.”

Sinabi rin n’ya na okey lang na may opinyon ang mga tao tungkol sa kanya at sa mga performance n’ya.

‘Yun namang kay Kris, may nag-post sa isang social media outlet din na “parang bakla si Bimby,” ang anak ni Kris sa basketbolistang si James Yap.

READ MORE:  Singer actress turned concert producer mas bilib sa bloggers (Ayaw gumastos sa kanyang presscon,)

Nang inspeksiyonin ni Kris ang account ng nag-post na si  angelo_pogi20, napuna nito na ‘di magaganda ang mga underwear ng kung sino mang “angelo” na ‘yon. Kaya sa halip na tarayan n’ya, sinabi na lang ni Kris sa Instagram reply n’ya na, “Where can I send the Bench GCs so you can buy proper underwear? Act of charity ko na.”

READ MORE:  Jean, mas bumata raw nang magka-apo

Mas maganda ang buhay kung nagpapatawad tayo at ‘di nagkikimkim ng mga sama ng loob. At hindi po tayo kailangang makisalamuha sa mga tao na pinatawad natin. Para sa sarili nating kapayapaan at kaginhawahan, ang kailangan lang ay huwag tayong mamuhi at maghangad ng ‘di-maganda para sa kapwa natin.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved