Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Makati cop, intel chief sinibak sa kidnap extortion
Makati cop, intel chief sinibak sa kidnap extortion

Makati cop, intel chief sinibak sa kidnap extortion

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Makati police at intelligence division, makaraan madawit ang apat tauhan sa pagdukot at pangingikil ng P250,000 mula sa isang magkasintahan.

Sinibak sa puwesto sina Makati police chief, Senior Supt. Dionisio Bartolome, at Makati intelligence head, Chief Insp. Oscar Pagulayan dahil sa command res-ponsibility, ayon sa Police Directorate for Personnel and Record Ma-nagement.

Nauna nang inalis sa puwesto ang mga tauhan nilang sina PO2 Harley Garcera, at PO2 Clarence Maynas, at PO1 Tim Santosy at PO1 Jeffrey Cañete, pawang inireklamo ng robbery extortion at kidnapping.

Kuwento ng biktimang si “Mark,” nasa isang talyer siya at ang kanyang kasintahan sa Merville, Pasay nitong Lunes ng hapon nang dumating ang apat pulis.

Pilit aniya silang isinakay ng mga lalaki sa isang itim na kotse at dinala sa Pasong Tamo Extension.

Humingi aniya ang mga pulis ng P400,000 para palayain ang magkasintahan, ngunit ibinaba ito sa P250,000 nang makipagtawaran ang mga biktima.

Nakalaya sina Mark at kanyang nobya Martes ng madaling-araw makaraan makapagbigay ng paunang bayad na P100,000, mula sa pinagsanglaan ng kotse ng ama.

Ngunit nagbanta ang mga pulis na “uubusin” ang pamilya ni Mark kung hindi niya maibibigay ang natitirang P150,000.

Bunsod nito, nagsumbong sa pulisya si Mark, dahilan para magkasa sila ng entrapment operation na humantong sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Habang nadiskobre ng Counter-Intelligence Task Force, na dati nang sangkot ang apat pulis sa mga kaparehong modus sa Cavite at Tagaytay, batay sa kanilang pag-amin.

Samantala, hinikayat ni CITF chief, Sr. Supt. Jose Malayo, na lumantad ang iba pang nabiktima ng grupo.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved