Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arron, nadalas ang pag-‘I love you’ sa ina dahil sa The Greatest Love
Arron, nadalas ang pag-‘I love you’ sa ina dahil sa The Greatest Love

Arron, nadalas ang pag-‘I love you’ sa ina dahil sa The Greatest Love

SOBRANG nagpapasalamat si Arron Villaflor sa ABS-CBN 2 dahil isinama siya nito sa defuct drama series na The Greatest Love, na gumanap siya bilang isa sa limang anak ng bidang si Sylvia Sanchez.

Dahil sa serye natutuhan niya na dalasan ang pagsasabi ng ‘I love you’ sa kanyang mga magulang. Masasabi niya na ang kanyang ina ang kanyang greatest love.

“Kasi mama’s boy din naman ako. Kaya alam mo ‘yun naiisip ko at sa tuwing nagagalit ako sa nanay ko, parang ang hirap magalit. Parang bago pa ako magsalita, parang naiiyak na ako roon sa sasabihin ko kasi parang hindi ko kaya. Kasi ako close ako sa nanay ko eh. Totoo rin ‘yung pag-I love you, hindi ako sanay mag-I love you sa parents ko rati. Pero ngayon lagi na akong nag-a-I love you sa kanila,” sabi ni Arron.

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved