Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden Richards, puspusan ang practice para sa Upsurge concert!
Alden Richards, puspusan ang practice para sa Upsurge concert!

Alden Richards, puspusan ang practice para sa Upsurge concert!

ABALANG-ABALA ang Pambansang Bae Alden Richards sa paghahanda niya para sa nalalapit niyang Upsurge concert on May 27.

Mabilis kasing naubos ang tickets kaya naman mas lalong ginanahan ang Kapuso star na maghanda para sa first major concert niya. Ang tsika, hands-on din si Alden sa lahat ng magaganap sa concert dahil tinuturing niya itong regalo para sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.

Hinihintay ng kanyang fans ang mga kakantahin niyang songs at ang iba ay nagre-request pa. Kaabang-abang din kung sino ang mga special guests na sasama kay Alden sa stage!

Samantala sa Destined To  Be Yours, tuluyan na kayang lumuwag ang daan patungo sa forever nina Sinag (Maine Mendoza) at Benjie (Alden Richards)? Pinalaya na ni Badong (Juancho Trivino) si Sinag dahil inuna nito ang kaligayahan ng dalaga.

Pero mukhang hindi pa klaro sa side ni Benjie. Ayaw siyang pakawalan ni Trish (Thea Tolentino). Mas lalong titindi ang mga pangyayari dahil mukhang sa paglaya ni Sinag sa dating relasyon, sunod-sunod naman ang mga pagsubok na darating sa buhay niya.

READ MORE:  Vivian Velez, nag-resign dahil sa kagaspangan ng ugali ni Cristine

HINDI NAGTAGUMPAY
SI BURUKA!

Hahahahahahaha! Palibhasa’y hindi na sikat, hindi na matindi ang clout ng vavalinang si Lolita Buruka.

Hayan at hindi na rin sumusunod sa kanya ang mga showbiz oriented talk shows.

Kaya ‘yung shows na hinaharangan niya kami ay hindi na niya magawang diktahan ngayon.

What a pity for this old hag. Hahahahahahahaha!

Kaya sa ngayon, ang masasabing tagasunod na lang niya ay ‘yung showbiz reporters na dinadala niya sa kanyang pangingibang bansa.

Hahahahahahahahahaha!

But how long is she going to do this?

Pasasaan ba’t mauubos rin siya ng mga taong makokotongan niya para mag-sponsor sa kanilang trips around Asia.

Ngayon nga, nawala na sa kanya ang kanyang benefactress na si Mama Doray na dati-rati’y halinhinan nilang isinusulat ni Bubonika.

Hahahahahahahahahahaha!

Naisip siguro niyang hindi naman sapat ang cheap na ipinagsususulat ng dalawang ngangaera kaya nagbabu na siya. Hahahahahahahaha!

Imagine, bibigyan ng trip for seven or eight persons sa abroad plus allowance tapos ganoon lang ang sinusulat.

READ MORE:  Shaina, gaganap na singer sa pelikula ni Lav Diaz

Huwag na, oy! Hahahahahahahahahahahahaha!

Kaya sa ngayon, this old hag is once again busy scouting for possible donors or sponsors.

Until when naman is she going to do this?

Until when is she going to succeed?

Ngayon pa nga lang ay unti-unti nang nawawala ang kanyang clout and connection which is sad if I may say so!

Dati talaga, and this during the time when their Puro Talk Wala Namang Star was still existing, napakadaling makaharbat ng sponsors ang vavalinang gurangski.

Pero ngayong wala na siyang show, no idiot, but, naturally, is going to give her the things that she needs.

Serves her right for being too haughty and caustic! Hahahahahahahahaha!

Baka makalbo ka na lang, lola, ay wala pang magbigay ng anda sa ‘yo. Hahahahahahahahaha!

How so very pathetic!

BARBIE FORTEZA AT JACLYN JOSE
NAG-UWI NA NAMAN NG PARANGAL!

Iba talaga ang tatak Kapuso dahil ginawaran ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) sina Barbie Forteza at Jaclyn Jose bilang mga natatanging personalidad na patuloy na nagpapaigting sa industriya ng pelikula. Inuwi ni Barbie ang award na Pinakapasadong Katuwang na Aktres para sa performance niya sa Tuos, at nakamit naman ni Jaclyn Jose ang Natatanging Gawad Pasado 2016 para sa pelikulang Ma’Rosa.

READ MORE:  Vice Ganda, may punto ukol sa mga bayarang raliyista

Dumalo sina Barbie at Jaclyn sa awards night nito na ginanap sa De La Salle University kamakailan. Patuloy na pinapatunayan ng mga Kapuso stars ang kanilang galing, kaya congratulations, Barbie and Jaclyn!

We are proud of you!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved