Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin at Vice Ganda, magsasalpukan sa darating na MMFF!
Coco Martin at Vice Ganda, magsasalpukan sa darating na MMFF!

Coco Martin at Vice Ganda, magsasalpukan sa darating na MMFF!

KINOMPIRMA ni Vice Ganda na may gagawin siyag pelikula kasama sina Daniel Padilla at ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

“Ipapasok yata nila sa MMFF,” saad ni Vice ukol sa planong movie with Daniel at Pia.

Ibig sabihin ay maghihiwalay na sila ni Coco Martin ng movie sa MMFF?

Esplika ng komedyante, “Oo, may movie siya, e. Actually, last year muntik na nga rin kaming hindi nagsama. Noong last minute kami nag-decide na magsama na lang tayo. Pero dapat talaga last year magsosolo na siya, eh.

“Kumbaga, siya yung mas bago sa akin sa film fest. Kaya deserve naman niya yun na magkaroon din ng sariling pelikula. At saka siya ang magdi-direk. Ang alam ko siya ang magdi-direk ng Panday.”

READ MORE:  Pacman, sobrang proud sa Kid Kulafu

Matatandang ang dalawang pelikulang pinagsamahan nina Vice at Coco na Beauty and The Bestie noong 2015 ay kumita ng higit 526 million. Samnatalang ang sumunod dito na The Super Parental Guardians noong 2016 ay kumita ng higit P601 million.

Matatandaang ibinalita recently na gagawin ang pelikulang Panday ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. Binigyan na nang pahintulot ng creator ng Panday na si Direk Carlo J, Caparas na gawin itong pelikula ni Coco at planong isali raw sa darating na Metro Manila Film Festival.

READ MORE:  Coco Martin at Toni Gonzaga perfect na love team sa rom-com movie na “You’re My Boss” (Sa ganda at kilig nangangamoy Blockbuster sa takilya)

Hindi lang ito pagbibidahan ni Coco kundi siya pa mismo ang magiging direktor ng naturang pelikula.

Anyway, ano ang pakiramdam ni Vice na na magkakalaban na ang movies nila ni Coco?

“Hindi naman siguro maglalaban. Sabay lang siguro, kung sakaling palarin kami sa filmfest. Magkasabay lang pero hindi naman kami magkalaban.”

Samantala, ipinahayag pa ni Vice na maaalagaan si Pia sa pelikulang pagsasamahan nila.

“Hindi ko naman pababayaan yang si Pia. We are friends actually. Kahit si Jonas (Gaffud, manager ni Pia), friends kami.

READ MORE:  Female personality, deadma sa pasikot-sikot sa casino

“Hindi ko pababayaan si Pia, mahal ko yon, ‘no. I will take good care of her,” pahayag pa ni Vice.

Pero, nilinaw din ni Vice na hindi pa siya sure kung para sa 2017 Metro Manila Film Festival ang kanilang gagawing movie ni Pia. “Basta before the year ends. Puwedeng filmfest, puwede rin namang before fimfest, but definitely, bago matapos ang taon may mapapanood kayong movie.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved