Friday , April 26 2024

Career ni Jaya, isinalba nina Kyla at Erik

NAGPA-PASALAMAT ang tinaguriang Queen of Soul na si Jaya Ramsay kina Kyla at Erik Santos  dahil sila ang dahilan kaya nananatili siya ngayon sa music industry.

Plano na palang mag-quit noon ni Jaya sa kanyang career dahil nga lumamlam ito at hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa future niya.

Kuwento ng Queen of Soul, ”for the longest time parang I just didn’t really know if I was just going to continue singing, is it just acting na lang.

“A lot of artists, actors lahat ng taga-showbiz nagkakaroon ng turning point and hindi guaranteed sa amin na habang buhay kaming nakaplano ng Plan A.

“I almost quit just for the fact na gusto ko na lang to quietly leave for the United States, kasi first and foremost, I’m a mom and I was just really losing direction.

“I really didn’t know what I was gonna do and work.”

At nagkita nga sila nina Kyla at Erik na mina-manage ng Cornerstone at nagkuwento ang singer kung ano ang mga nabago rin sa singing career nila at sakto, nitong nakaraang taon lang pormal na pumirma ang Queen of Soul bilang talent ni Erickson Raymundo.

Ang bilis nga agad dahil tanda namin ay kaliwa’t kanan guestings at exposures ni Jaya sa mga programa ng ABS-CBN at naging regular na rin siya sa ASAP hanggang sa naging isa na siya sa hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

At heto, magkakaroon na ng solong concert sa Music Museum sa Mayo 12 (Biyernes) produced ng Aqueous Entertainment at co-presented by Star Imageand Studio Q. Line produced by Cornerstone Entertainment with guestsUpgrade, Dancing in Tandem Royalties, Moira Lacambra, Jannah Zaplan, Nick Vera Perez and Reign Basa as front acts.

Samantala, napag-usapan ang tungkol sa pagbibiro ni Senator Tito Sotto kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo bilang solong magulang na binuhay ang dalawang anak na babae.

Walang masamang sinabi si Jaya kay Senator Sotto pero sinabi niya na hindi lahat ng single mom ay ‘na-ano lang.’

Single mom o solo parent ang ina ni Jaya na si Elizabeth Ramsay (SLN) at nakita niya kung paano siya itinaguyod ng ina.

“Ang hirap na nga na may katuwang ka, paano pa ‘yung mag-isa ka, magtatrabaho ka, papakainin mo, papatulugin mo, ‘pag nagkasakit, hospital, ang hirap-hirap talaga.

“Nakita ko ‘yung nanay ko, single mom siya, although kakaiba rin noong ‘70s, so kapag paubos na ‘yung pera, kailangan ng humanap ng raket, mainit ang ulo. Kasi wala namang supplement from the dad at hindi lahat ng single mom ay single dahil ‘na-ano lang.’

“Some of them, their husband’s passed away or nagloko ‘yung asawa or OFW, ang dami rin kasing babaero (kaya nahiwalay), kaya hindi lahat ng single mom ay na-ano lang, napakasakit namang isipin ‘yun, but for me, like I always say, I really, really admire single moms kasi hindi madali.”

May mensahe ba si Jaya kay Senator Sotto, ”wala, I’m sure he knows and he knew what he said and hayaan na lang natin.”

At ang mensahe rin ni Queen of Soul sa mga single mom ngayong malapit na ang Mother’s Day, ”single moms, I admire you, I salute you, I pray for all of you becase of what you do.  It’s such a tough job and so admirable and commendable and I’m sure all children that grew up with single moms like me, ramdam n’yo ‘yan at pasalamatan n’yo ang inyong mga magulang dahil talagang lahat ay gagawin ng ina para sa kanilang mga anak kahit na nga minsan mali, ginagawa na nila para lang maibigay ang dapat na ibigay sa inyo, sa atin.

“So, let’s love our moms and dads, kahit sino pa ‘yung single parent na ‘yan, love them, pray for them, be kind to them because a lot of kids today nakikita ko na ikinakahiya nila ‘yung magulang nila whether a single mom or single dad, it’s not right.

“Honor your father and mother, it’s a command, it’s not something that you just choose, it’s a commandment, you follow that and you will be blessed.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *