Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Buhay ni Heart, nanganganib na naman
Buhay ni Heart, nanganganib na naman

Buhay ni Heart, nanganganib na naman

SA pagpapatuloy ng kuwento ng My Dear Heart, ang pagkakaisa at katatagan ng pamilya nina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) ang masusubkan ngayong muling nasa peligro ang buhay ni Heart (Heart Ramos) dahil sa mga Camilus.

READ MORE:  Sen. Binay, updated sa mga nangyayari sa showbiz

Ngayon ngang nabawi na ni Francis (Eric Quizon) si Heart at ang tiwala ng pamilya De Jesus, gagamitin niya ang pagkakataong ito para pabagsakin at siraan si Dra. Margaret (Coney Reyes) na patuloy na lumubha ang ang sakit ng bata.

READ MORE:  Ellen Adarna, paborito ni Krizzy baby!

Sa kabila naman nito, hindi mawawalan ng pag-asa sina Jude at Clara na gagaling mula sa karamdaman ang kanilang anak at sama-samang ipadarama ang kanilang pagmamahal upang mapabuti ang kalagayan ni Heart.

READ MORE:  Ai Ai, iginiit na may Mafia sa showbiz (May mga bayarang mahihirap daw para siraan siya)

Magtagumpay naman kaya ang mga Camilus sa kanilang mga plano? Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano  sa ABS-CBN.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved