Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jodi, nag-enjoy kina Xian at Joseph
Jodi, nag-enjoy kina Xian at Joseph

Jodi, nag-enjoy kina Xian at Joseph

PURING-PURI ni Jodi Sta. Maria ang professionalism nina Xian Lim at Joseph Marco.

Sa grand presscon ng pelikulang Dear Other Self na handog ng Star Cinema at mapapanood na sa Mayo 17, sinabi ng aktres na nag-enjoy siya sa pakikipagtrabaho sa dalawa bagamat mas bata ang edad sa kanya.

“Pinadala kasi nilang dalawa ‘yung trabaho ko. Kasi dumarating sila sa set na alam na nila ‘yung gagawin nila and I think, professionalism is very important. So, nasa sa kanila naman ‘yung quality na ‘yun,” paliwanag ni Jodi.

Pinuri pa ni Jodi ang pagiging prepared ni Joseph kapag dumarating ito sa set. ”It was fun working with him, nakatutuwa because isa siyang tao na talagang sineseryoso niya ‘yung trabaho niya. Nakatutuwa na dumarating talaga siya sa set ng prepared and talagang inaaral niya ang mga eksena niya. And nakatutuwa roon sa mga mas nakababatang artista na ganoon ‘yung attitude nila pagdating sa trabaho.”

Ang pagkakaroon naman ng childlike qualities ni Xian ang nagustuhan ng magaling na aktres.

“He’s always in awe of the things that he sees, parang he enjoys his life, he enjoys the world he lives in, he enjoys the moment and ‘yun ‘yung magandang nakikita ko sa kanya. Hindi siya childish pero childlike. There’s a sense of awe and enchantment doon sa mga bagay na ginagawa niya.”

 

 

PAGPAPAKITA
NG ABS NI JOSEPH,
WALANG MALISYA

050717 jodi joseph marco

NILINAW naman ni Jodi ang ukol sa pagpapakita ng abs ni Joseph na wala iyong ibang kahulugan para sa kanya.

Aniya, wala iyong malisya. ”Alam mo ‘yung mga kailangan mong gawin para sa eksena.”

At kung sobrang humahanga ang ibang babae kapag nakakakita ng ganoon, iba naman ang dating niyon kay Jodi.

“Hindi ko na-appreciate ‘yung pandesal. Pero ang na-appreciate ko sa kanya is ‘yung process kung paano niya nakuha ‘yung pandesal. Kasi it takes a lot of determination and time to keep your body fit.”

Hindi lang pala ang pandesal ni Joseph ang nakita niya, maging ang kay Xian ay ipinakita rin.

Anang aktres, isa iyon sa dapat abangan sa kanilang pelikula. ”Basta may tagisan, ‘yun lang ‘yun. Hanggang doon lang ang masasabi ko.”

 

 

XIAN, GRATEFUL
SA PROJECTS NA DUMARATING
KAHIT ‘DI KATAMBAL SI KIM

050717 Xian Lim Kim Chiu

MALAKI ang pasasalamat ni Xian Lim na may mga dumarating pa ring proyekto para sa kanya kahit hindi na niya katambal si Kim Chiu.

Aniya, ”Para sa akin, I’m just really grateful na nabibigyan po ako ng projects especially when we started last year po with ‘Everything About Her’ and now, with this project, ‘Dear Other Self’, it’s just amazing to be able to work with other people dahil marami rin po ako natututuhan, especially kay Jodi, kumbaga, ang daming pabaon ni Jodi.”

Hindi pala ito ang unang pagkakataong nagkasama sila ni Jodi Sta Maria. Una silang nagsama sa All You Need is Pag-ibig pero hindi sila nagkita sa eksena.

Ani Xian, marami siyang natutuhan sa pagsasama nila ni Jodi sa Dear Other Self.

“Isa ‘yung sinabi niyang there are three types of people. It’s very inspirational, hindi naman po siya negative.

”There’s a leaf people, branch people and root people. Sabi ni Jodi, ‘you have to distinguish those people in your life para hindi ka lang malito.’ So, I think, that opened up so much and nai-share ko po siya sa maraming tao and I’m just so proud of that moment with Jodi,” kuwento ni Xian.

Ang Dear Other Self ay idinirehe ni Veronica Velasco at kasama rin sa pelikula siPaul Salas.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved