Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Abogado’ wanted sa bagong pagsabog sa Quiapo (2 patay, 4 sugatan)

‘Abogado’ wanted sa bagong pagsabog sa Quiapo (2 patay, 4 sugatan)

050717_FRONT

ISANG abogado ang pinaghahanap, isang linggo  pagkaraan ng pagsabog na ikinasugat ng 14 biktima, at isang araw matapos madiskobre ang isang bag na naglalaman ng mga sangkap sa paggawa ng bomba, sa isang pagsabog na muling naganap at ikinamatay ng 2 katao at ikinasugat ng 4 pa, sa pusod ng Muslim community sa Quiapo, Maynila kahapon ng hapon.

Sa ulat, sinabing ini-aabot ng isang lalaki sa isang abogado, na tinukoy na nag-oopisina sa Muslim minority group sa lugar, ang dala niyang bomba bago nagkaroon ng pagsabog.

Sa nakaraang imbestigasyon, idineklara ng Manila Police District (MPD) na personal na motibo ng paghihiganti at binalewala ang pag-ako ng ISIS sa unang pagpapasabog sa isang peryahan sa Quiapo nitong huling Biyernes ng Abril, ngunit blanko sila sa insidente kahapon.

Walang identidad ang dalawang napaslang sa pagsabog kahapon habang ang apat na sugatan ay isinugod sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pagsabog dakong 5:50 pm sa pagitan ng Norzagaray at Guinao streets sa kahabaan ng Globo de Oro St., sa Quia-po, isang araw matapos ipahayag ng Palasyo na nalulungkot si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, dahil nakikini-kinita niyang bigo ang usapang pangkapayapaan  sa Bangsamoro dahil tuloy ang bakbakan ng iba’t ibang grupo laban sa isa’t isa kahit hinaharap sila ng gobyerno sa usapang pangkapayapaan.

Sa rescue operation ng mga awtoridad at paramedics, nagtulong ang dalawang grupo u-pang maging mabilis ang pagsaklolo sa mga sugatan at sa mga napaslang.

Agad umanong namatay ang dalawang biktima, kabilang ang sina-sabing bomb maker na hindi pa kompirmado ang pangalan, makaraan sumabog ang hindi pa batid na klase ng bomba na iniaabot sa kapwa Muslim, na tinukoy na abogado sa isang opisina ng Muslim minority group sa lugar.

Habang isinusulat ang balita nitong Sabado, isang pagsabog pa ang naganap dakong 8:00 pm at iniulat na tinamaan ang isang miyembro ng EOD.

Bago ito, nagpapatuloy ang rescue operation kasabay ng pagkordon sa blast site. Nagdala ng bomb sniffing dogs ang pulisya na kanilang katulong sa pag-iikot sa lugar.

Patuloy na itinatanggi ni NCRPO chief, Gen. Oscar Albayalde na tero-rismo ang sanhi ng pag-sabog, sa halip ay idiniin na labanan ito ng magka-kalabang  grupo.

HATAW News Team (May kasamang ulat ni BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved