Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pagkamatay ng ASG member, ipinabubusisi ni Gen. Bato
Pagkamatay ng ASG member, ipinabubusisi ni Gen. Bato

Pagkamatay ng ASG member, ipinabubusisi ni Gen. Bato

INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang imbestigasyon sa pagkamatay nang naares-tong Abu Sayyaf member sa Bohol na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad, habang nasa kustodiya ng mga pulis.

READ MORE:  Mensahero agaw-buhay sa tandem na holdaper sa Binondo (Magdedeposito sa banko)

Ayon kay PRO-7 Director Chief Supt. Noli Taliño, inatasan niya ang provincial police director ng Bohol, para pangunahan ang imbestigasyon partikular ang mga pulis na kasama ni Kiram, nang mamatay makaraan ang sinasabing pag-agaw ng baril.

READ MORE:  Ex-leftist leader OK sa Oplan Tokhang

Giit ni Taliño, normal ang ganitong imbestigasyon sa mga ganitong klaseng insidente.

Nauna rito, sinabi ng opisyal, kinailangang ilipat sa BJMP district jail sa Tagbilaran si Kiram dahil walang kulungan sa Bohol provincial police office.

READ MORE:  Pagsugpo sa ISIS ‘di madali — Digong

Madaling araw kahapon, habang ibinabiyahe si Kiram papuntang Tagbilaran nang makiusap siyang huminto muna para sa tawag ng kalikasan.

Ngunit sinasabing napatay siya ng mga pulis nang mang-agaw ng baril para tumakas.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved