Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 19 ASG member sumuko sa Basilan
19 ASG member sumuko sa Basilan

19 ASG member sumuko sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Nasa 19 aktibong kasapi ng teroristang Abu Sayyaf ang panibagong sumuko sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Basilan.

Ayon kay Western Mindanao Commander (WestMinCom) Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang Abu Sayyaf sub-leader, na kinilalang sina Nur Hassan Lahaman alyas Hassan, at Mudz-Ar Angkun alyas Mapad Ladjaman.

READ MORE:  2 pulis kritikal sa ratrat ng tandem

Kasama nilang sumuko ang 13 nilang mga tauhan sa tropa ng 64th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Tumahubong, sa munisipyo ng Sumisip, dala ang kanilang siyam high powered firearms na cal. .50 sniper rifle, M16 rifle, M79 40mm grenade launcher, limang garand rifle, at isang cal. .30 Springfield rifle.

READ MORE:  Romualdez: Gobyerno dapat manguna sa transisyon (Para sa malinis na enerhiya)

Sinundan ito sa pagsuko ng apat pang magkakapatid na aktibong miyembro ng Abu Sayyaf kidnap for ransom group (KFRG) mula sa Brgy. Basakan, Hadji Mohammad Ajul, Basilan.

READ MORE:  Koko, tiyak na magiging Senate President — Lacson

Ang apat ay kinilalang sina Patta Salapuddin, 53; Asbi Salapuddin, 32; Sayyadi Salapuddin, 31, at isang Arci Salapuddin, 20-anyos.

Isinuko ng apat na bandido ang dalawa nilang M16 at M79 rifle.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved