Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / PH ginagamit na pato sa US$5-T world trade (Sa South China Sea issues)

PH ginagamit na pato sa US$5-T world trade (Sa South China Sea issues)

050517_FRONT
IPINAPAPAPASAN ng iba’t ibang bansa ang problema ng pangangamkam ng teritoryo at pagtatayo ng mga estruktura ng China sa South China Sea (SCS) gayong ang US$5-trilyong kalakal ng buong mundo ang nagyayaot sa erya at hindi lang ang Filipinas.

Dahil dito, naniniwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., mas makabubuti para sa kapakanan ng lahat hayaan ang paglalayag ng military ships sa SCS dahil may freedom of navigation naman.

Hindi umano wasto na itambol ang usapin ng SCS na animo’y nagkakasa ng giyera gayong umuusad ang Bilateral Consultative Mechanism on the South China Sea ng Filipinas at China.

READ MORE:  Traslacion ng Nazareno tumagal nang higit 20 oras

“Ibig sabihin, that’s our way now into getting into talks with them. Hindi ‘yung pormahan nang pormahan tayo na akala mo magigyera. Meron na tayong mga mechanism,” ani Esperon.

“So aside from that, meron tayong Coast Guard to Coast Guard talks. Because if we engage the Coast Guards here, Coast Guard to Coast Guard, hindi na military to military. Iyong military, they can always sail doon sa high seas at saka may freedom of na-vigation naman diyan e. So kung nandiyan lahat ‘yan e ‘di ‘yung pinangangambahan natin na 5 trillion trade, ‘yung goods diyan, e ‘di makakadaan. Mahirap pa nga parang napunta sa atin ‘yung responsibilidad na kaila-ngan makadaan ‘yung 5 trillion.

READ MORE:  PNoy: inspiring si Mar preparado sa 2016

Binigyan-diin ni Esperon, may mas malalaking isyu na papabor sa Filipinas kaysa ang makipag-away lalo na’t kinikilala ng US at China ang matatag at malakas na liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rehiyon.

“Alangan ang Filipinas ang… samantalang goods ‘yun ng ano Japan, Korea, Taiwan, China, Middle East, New Zealand, Australia. So bakit sa atin mapupunta ‘yung responsibility to fight China here in the South China Sea and the West Philippine Sea? Parang hindi yata ganon ha. There should be… There should be common grounds for establishing peace in the area, in the region. Na ganyan lang, okay, nandiyan ‘yung reclamations, but if we could push for better understanding and free flow of commerce, then okay tayo sa South China Sea and the whole region,” aniya.

READ MORE:  Lola todas, 3 apo grabe (Bahay inararo ng trak)

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved