Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / CPP-NPA-NDFP no. 1 security threat sa PH
CPP-NPA-NDFP no. 1 security threat sa PH

CPP-NPA-NDFP no. 1 security threat sa PH

ITINUTURING ng Palasyo na pangunahing banta sa seguridad ng bansa ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP)

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, hindi masama ang komunisno ngunit hindi ito ang angkop na sistema na kursunada ng mga Filipino.

“I’m not saying that communism is bad. But it’s something that would not really be the way of life that is good — the way that the Filipinos would want. So if the basis is way of life, then I would say the Communist Party, the NPA, and the NDF would be the number one threat,” aniya sa press briefing sa Palasyo.

READ MORE:  Vhong kakasuhan ng libel, perjury si Cabañero

Isasagawa ang ikalimang round ng peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDFP, sa Netherlands sa huling linggo ng Mayo.

READ MORE:  100 pamilya apektado ng sunog sa Maynila

Kasama rin aniya sa banta sa seguridad ay terorismo lalo na’t may mga ulat na may mga kasapi ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Filipinas at may mga grupong nais umanib sa kanila.

Sa katunayan aniya ay muntik nang isabotahe ng mga terorista ang ASEAN meetings sa Central Visayas ngunit naunsiyami nang mahusay na intelligence network at mabilis na aksiyon ng mga awtoridad.

READ MORE:  Shootout 1 sugatan, 3 arestado

Kabilang din sa nila-labanang internal na banta ang illegal drugs, illegal gambling, krimina-lidad, graft and corruption, at ang panlabas na banta ay transnational crimes at isyu ng South China Sea.

Isinusulong ni Esperon ang paggamit ng satellites para labanan ang mga nasabing banta sa seguridad ng bansa.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved