Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angellie Nicholle Sanoy, happy na nakatrabaho si Allen Dizon sa Bomba
Angellie Nicholle Sanoy, happy na nakatrabaho si Allen Dizon sa Bomba

Angellie Nicholle Sanoy, happy na nakatrabaho si Allen Dizon sa Bomba

KAKAIBANG pelikula ang Bomba (The Bomb) para sa dating child actress na si Angellie Nicholle Sanoy. Bukod sa first mature role niya ito, may pagka-daring din ang gagampanan niya rito.

“Eto po ang first mature role ko and dito sa film, kakaiba yung role ko. Medyo pang matured na talaga yung role ko. So, ready naman po ako sa kahit na anong role,” saad ng 16 year old na si Angellie Nicholle.

Ano ang role mo rito? “Ako po rito si Cyril and may secret po kami dito ni Pipo which is si kuya Allen Dizon.”

READ MORE:  Pusong Ligaw, limang araw na lang

Ang pelikulang Bomba ay pinagbibidahan ng award-winning na si Allen Dizon at mula sa pamamahala ni Direk Ralston Jover.  Bago ang pelikulang ito, nakalabas na si Angellie Nicholle sa ibang pelikula kabilang na ang Patikul ni Direk Joel Lamangan. Nagbida na rin siya sa TV series na Magic Palayok sa GMA-7 noong 2011.

Ano ang ginawa niyang paghahanda sa role niya rito? “More on pag-aaral po sa sign language ang naging preparation ko. Kasi kahit papaano po, dapat may alam ako sa mga signs. Kasi po lagi kong kaeksena si kuya Allen na deaf and everytime na may session po kami sa sign language, lagi pa rin po namin pinag-uusapan nila Direk Ralston and Kuya Allen iyong buong script para malaman namin yung back story ng mga roles and kung ano yung dapat na atake namin sa mga scenes.”

READ MORE:  Visayan indie film, ‘di totoong ginaya ng The Greatest Love

Nabanggit din ni Angellie Nicholle na sobrang saya at na-excite siya nang husto nang malamang kasali siya sa pelikulang Bomba.

“Noong tinawagan po ako ni sir Dennis (Evangelista), sobrang saya ko po dahil ako yung nakuha as Cyril. Sobra rin po akong na-excite at na-challenge, kasi kailangan ko ring matuto ng sign language and lalo na at makaka-eksena ko pa ang isang Allen Dizon, isang malaking karangalan po iyon.”

READ MORE:  Hindi takot sa drug test!

Dahil kilala sina Allen at Direk Ralston sa mga pang-award na pelikula, sa palagay ba niya ay mananalo rin ito sa mga award giving bodies? “Hopefully maging pang-award or hahakot po ng award itong film namin. Kasi iba po talaga itong story ng film namin, tagos talaga sa puso,” pagtatapos na niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved