Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Laborer nagsaksak sa leeg (Naburyong sa bulutong)
Laborer nagsaksak sa leeg (Naburyong sa bulutong)

Laborer nagsaksak sa leeg (Naburyong sa bulutong)

INIIMBESTIGAHAN  ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang 32-anyos helper, na may sakit na bulutong, makaraan matagpuan naka-handusay at wala nang buhay sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng MPD-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Allan Oppox, stay-in helper, sa Construction Supply shop sa 245 Zaragosa St., Tondo, natagpuang may saksak sa leeg.

READ MORE:  Militant group sugatan sa protesta vs Palasyo

Base sa imbestigasyon, dakong 7:30 am nadiskobre ang bangkay ng biktima sa ikalawang palapag ng construction supply shop sa nabanggit na lugar.

Sa salaysay ni Mario Cabales, 27, kapwa helper, inu-tusan siya ng kanilang amo na dalhan ng pagkain ang may sakit na si Oppox ngunit laking gulat niya nang makitang du-guan ang biktima at may tama ng saksak sa leeg.

READ MORE:  11 sugatan sa 3 grenade blast sa S. Kudarat

Agad niya itong ipinagbi-gay-alam sa kanilang amo na si Elmer Salipot, 54, ex-barangay chairman ng Brgy. 28, Zone 2, na siyang nag-report sa himpilan ng pulisya.

READ MORE:   ‘Jumper gang’ member utas sa truck driver

Nabatid sa imbestigasyon, isang linggo nang dumaranas ng sakit na bulutong ang biktima, at hinihinalang naburyong kaya nagsaksak sa leeg.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved