Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Jail officer nalunod sa paruparo
Jail officer nalunod sa paruparo

Jail officer nalunod sa paruparo

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang jail officer ng Cotabato City nang malunod sa Hidak Falls sa Brgy. Kematu, Tboli, South Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Leo Solinap, 37, residente ng Koronadal City.

Ayon sa report, kinukuhaan ng video ng biktima ang isang paruparo na lumilipad sa lugar nang siya ay madulas at tulu-yang nahulog sa talon.

Dahil sa pagkahulog, tinangay ang biktima nang malakas na agos ng tubig at hindi agad natulungan.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang “dead on arrival” sa ospital.

Sa ngayon, pansamantalang isinara sa publiko ang Hidak Falls dahil sa insidente.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top