Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Atas ni Digong sa labor groups: Borador ng executive order vs ENDO balangkasin
Atas ni Digong sa labor groups: Borador ng executive order vs ENDO balangkasin

Atas ni Digong sa labor groups: Borador ng executive order vs ENDO balangkasin

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labor groups na magbalangkas ng borador ng executive order, na magbabawal sa kontraktuwalisasyon bilang paraan ng pagkuha ng empleyado ng mga kompanya.

Layunin ni Pangulong Duterte na tuldukan ang sakit sa ulo ng mga uring manggagawa na ENDO o end of contract, na ginagamit na sistema ng mga kapitalista upang makaiwas sa pagsunod sa minimum wage at pagbibigay ng mga benepisyo.

READ MORE:  Source code sa 2016 automated polls may host na — Comelec

Sa ginanap na dialogue ni Pangulong Duterte sa mga lider-obrero sa Davao City kamakalawa, nagkasundo sila na magsusumite ang labor groups ng draft EO, na tatapos sa ENDO.

READ MORE:  Magdyowa libre sa LRT sa Heart’s Day

Hiniling ng Pangulo sa mga lider-obrero na bigyan pa siya ng dagdag na panahon para ganap na matupad ang pangakong tatapusin ang ENDO.

Sa 10 Mayo, pinapupunta sila ng Pangulo para isumite ang draft EO at iba pang mga panukala na puwedeng ipatupad para sa kapakanan ng mga manggagawa.

READ MORE:  No wage increase sa gov’t workers — Abad (Insentibo lang)

Bibigyan din ng Pangulo ang labor groups at mga unyon ng karapatan na mag-inspeksiyon ng mga pabrika sa buong bansa.

Nangako ang Pangulo na pag-aaralan ang isyu ng pagtataas ng minimum wage at pagkakaloob ng subsidy sa minimum wage earners batay sa suhestiyon ng TUCP.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved