Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kalampag sa PNP, DoJ: Secret jail busisiin

Kalampag sa PNP, DoJ: Secret jail busisiin

ININSPEKSIYON ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang MPD Station 1, kaugnay sa sinasabing secret cell na nadiskobre ng Commission on Human Rights (CHR) kamakailan. (BRIAN GEM BILASANO)

ININSPEKSIYON ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang MPD Station 1, kaugnay sa sinasabing secret cell na nadiskobre ng Commission on Human Rights (CHR) kamakailan. (BRIAN GEM BILASANO)

KINALAMPAG ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang Philippine National Police na magsagawa ng inspeksiyon sa lahat ng mga estas-yon ng pulisya sa buong bansa.

READ MORE:  Human rights ‘di malalabag sa checkpoints — QCPD

Kasunod ito sa pagkakatuklas ng Commission on Human Rights (CHR) sa sec-ret jail sa Manila Police District Station 1.

READ MORE:  PNoy, alipores sasampolan ng Duterte admin (Sa kampanya kontra katiwalian)

Ayon kay Biazon, ito ay para matukoy kung may iba pang mga sikretong kulu-ngan sa mga estasyon ng pulisya.

Pinatitiyak din ng kong-resista kay PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, na panagutin ang mga nasa likod ng sikretong kulungan na natuklasan sa Tondo, Manila.

READ MORE:  23 sugatan sa bumaligtad na sasakyan

Ito ay dahil lantaran umanong nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao.

Samantala, iginiit ni Siquijor Rep. Rav Rocamora, kailangan nang manghimasok ang Department of Justice sa isyung ito.

Aniya, dapat magkaroon ng sariling imbestigasyon ang DoJ hinggil sa nasabing usapin.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved