Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Encantadia, sumuko na sa FPJ’s Ang Probinsyano
Encantadia, sumuko na sa FPJ’s Ang Probinsyano

Encantadia, sumuko na sa FPJ’s Ang Probinsyano

SUMUKO na ang Encantadia sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil tatlong linggo na lang pala ito at papalitan na raw ng Mulawin.

Hindi na kinayang tapatan pa ng fantaserye ng GMA 7 ang aksiyon-serye ni Coco Martin na aabutin pa hanggang 2018.

READ MORE:  Anne, binaboy ang kantang Chandelier

Ang pabirong sabi sa amin kaya magtatapos na ang Encantadia, ”gustong-gusto nang lumipad ni Mulawin, ha, ha, ha.”

Umabot naman daw ng 44 weeks o 11 months ang Encantadia sabi sa amin, ”neck to neck naman sila ng Probinsyano sa ratings,” say sa amin.

READ MORE:  Michael, nakakasama na ang anak

Parang hindi naman yata, ‘di ba ateng Maricris dahil ang alam namin ay laging panalo ang FPJAP at bihirang makalamang ang fantaserye ng Siete.

At naniniwala kaming mas pinanonood ng tao ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil bukambibig ng lahat kapag umeere na dahil nagagalit sila sa mga kaaway ni Cardo Dalisay.

READ MORE:  Vance Larena, pinakamahusay na aktor sa Bakwit Boys

Anyway, abangan natin ang Mulawin kung kasing taas ng paglipad ng ratings ngProbinsyano ang lipad niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved