Wednesday , September 24 2025

Pang-unawa, kooperasyon hiniling ng palasyo (Kasunod ng Quiapo explosion)

HINILING ng Palasyo ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko sa mga ikinasang hakbang sa seguridad ng bansa, at sa idinaos na ASEAN Summit kasunod nang pagsabog sa Quiapo kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi konektado o sinadya ang insidente para gambalain ang ASEAN Summit dahil ang posibleng motibo nito’y gang war at hindi terorismo, batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya.

“The incident is not in any way connected or directed to the ongoing ASEAN Summit. We assure our people that security measures are in place in today’s event and ask the public for their full understanding and cooperation in this regard,” ani Abella.

Base sa ulat ng PNP sa Palasyo, dakong 10:48 pm kamakalawa nang sumabog ang isang home-made pipe bomb sa Quezon Blvd., kanto ng Soler St., sa Quiapo, Maynila, na ikinasugat ng 14 katao.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …