Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 10 patay sa rabies (Sa South Cotabato)
10 patay sa rabies (Sa South Cotabato)

10 patay sa rabies (Sa South Cotabato)

KORONADAL CITY – Umabot sa 10 katao ang naitalang patay dahil sa rabies sa South Cotabato.

Kaugnay nito, nababahala ang health officials, sa pangunguna ng South Cotabato Integrated Provincial Health Office, sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng rabies sa pro-binsya.

READ MORE:  Pasyente tumalon mula 5/f ng St. Lukes todas

Inihayag ni South Cotabato Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, sa naturang bilang, dalawa ang nakagat ng aso sa ibang lugar at namatay lamang dito sa lalawigan.

READ MORE:  Bodyguard ni Gov. Zubiri arestado

Ang huling naitalang namatay dahil sa rabies ay residente ng Brgy. Desawo, T’boli, South Cotabato.

Kaugnay nito, mahigpit na pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na huwag hayaang makagat ng aso at sakaling hindi ito maiwasan ay agad pumunta sa pinakamalapit na animal bite center upang malapatan ng kaukulang rabies vaccine.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved