Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 60% ng Pinoys pabor sa death penalty — SWS
60% ng Pinoys pabor sa death penalty — SWS

60% ng Pinoys pabor sa death penalty — SWS

MAHIGIT 60 porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa pagbabalik ng death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Batay sa First Quarter 2017 Social Weather Sutations (SWS) survey, lumabas na 61 porsiyento ang nagsabing pabor sila sa pagbuhay muli ng parusang kamatayan, habang 23 porsiyento ang nagsabi na sila ay tutol sa priority bill na ito ng Duterte administration.

READ MORE:  15-point People’s Agenda tinanggap ni Duterte mula sa leftist group
READ MORE:  Walang Pinoy sa Ariana concert blast — DFA

Ibig sabihin, mayroong +38 approval score ang reimposition ng death penalty, ayon sa SWS, maituturing na “good”.

Samantala, 16 porsiyento ang nananatiling “undecided” sa nasabing usapin.

READ MORE:  Privacy tiyak na protektado

Ang nasabing survey ay isinagawa sa tig-300 respondents mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao, simula noong 25 hanggang 28 Marso sa pamamagitan ng face-to-face interview.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved