Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Biyuda sinaksak ng kapitbahay (Nagtalo sa koryente)
Biyuda sinaksak ng kapitbahay (Nagtalo sa koryente)

Biyuda sinaksak ng kapitbahay (Nagtalo sa koryente)

SUGATAN ang isang 49-anyos biyuda nang saksakin ng babaeng kapitbahay makaraan ang mainitang pagtatalo dahil sa koryente sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang si Angelita Balbeja, vendor, taga-Block 3, Kadima, Letre Road, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

READ MORE:  Bagong NCRPO chief itinalaga ni Albayalde

Habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Maria Am-paro Tubilan, 25, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa imbestigas-yon nina SPO1 Alexander dela Cruz at PO3 Roger Gonzalez, dakong 6:45 pm nang magtalo ang dalawa nang hatakin ng suspek ang kable sa bahay ng biyuda kaya nawalan ng koryente.

READ MORE:  15 kg shabu kompiskado 6 Intsik arestado (Laboratory bistado)
READ MORE:  LP protektor ng illegal drugs trade

Sa kalagitnaan ng pagtatalo, nagpasyang umalis ang biktima ngunit sinaksak siya sa ulo ng suspek.

Isinugod ang biktima sa pagamutan habang mabilis na inaresto ng mga pulis ang suspek.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved