Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bayaw ni Camata timbog sa droga (P1-milyon bank deposit slips nakuha)
Bayaw ni Camata timbog sa droga (P1-milyon bank deposit slips nakuha)

Bayaw ni Camata timbog sa droga (P1-milyon bank deposit slips nakuha)

ARESTADO ang sinasabing supplier ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DEU-SPD), sa Brgy. Ususan, Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario, ang naares-tong suspek na si Wilfredo Santos, 51, tricycle driver, ng nasabing barangay.

READ MORE:  Brillantes, kinondena ng ANAD sa hindi pagsunod sa SC decision

Napag-alaman, si Santos ay asawa ni Janet Santos, pinsan ng high profile inmate sa New Bilibid Prison, na si Ricardo Camata.

Ayon sa report ni Chief Inspector Jerry Amindalan, hepe ng DEU-SPD, dakong 8:00 pm nang mahuli si Santos sa Brgy. Ususan makaraan bentahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

READ MORE:  4 bata, 1 pa tigok sa amok (suspek utas sa parak)

Nakuha kay Santos ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 mark money na ginamit sa operasyon.

Nakuha rin mula sa suspek ang visitor’s pass mula sa NBP na nakapangalan sa kanyang asawa, at maraming bank deposits slip na aabot sa P1 milyon.

READ MORE:  NBI nagbabala sa pyramiding scam sa Facebook

Hinala ng pulisya, posibleng galing sa NBP ang droga na  ibinabagsak ng suspek sa Brgy. Ususan.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved