Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 1st Sem ni Lotlot, sinuportahan ng mga kapatid
1st Sem ni Lotlot, sinuportahan ng mga kapatid

1st Sem ni Lotlot, sinuportahan ng mga kapatid

KAHAPON, lumipad na patungong Houston, Texas si Lotlot dahil kasali ang pelikula niyang 1st Sem sa 50th WorldFest Houston International Film Festival.

Pero bago ito, nagkaroon muna ng celebrity screening ang 1st Sem noong Sabado na dinaluhan ng mga bida nitong sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, Sebastian Vargas, Marc Paloma, at Sachie Yu.

Ayon kay Rommel Gonzales, kaibigan ni Lotlot at publicist ng 1st Sem, tuwang-tuwa si Lotlot sa pagdalo ng mga kapatid ng aktres sa naturang celebrity screening. Dumating sa screening sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon kaya ganoon na lamang ang katuwan ni Lotlot.

READ MORE:  Lucky Fashion ni Ms. Marites, available na!

Matal na kasing hindi nagkakasama sa isang pagtitipon na kompleto ang magkakapatid, ayon kay Gonzales.

READ MORE:  Mark, ‘di minasama ang reklamo ni Vin, kaibigan daw kasi niya ito

“May mga kanya-kanyang schedule,” tugon ni Lotlot.

Nasorpresa si Lotlot na lahat ng kanyang kapatid ay dumating.

Bukod sa magkakapatid, nanood din sina Diego at Maxine Gutierrez.

Ang 1st Sem ay istorya ukol sa single mother na kung paano niya itinaguyod ang mga anak. Na ang buong akala ng ina’y okey o kaya niyang mag-isang palakihin ang tatlong anak na kalauna’y nagkaroon ng mga problema. Rito pumasok ang importansiya ng komunikasyon. Maayos naipakita ng mga director nitong sina Dexter Hemedez at Allan Ibanez ang conflict ng walang ama sa tahanan.

READ MORE:  Willie, inirereklamo, pangakong suweldo kahit walang show ‘di tinupad

Mapapanood na ang 1st Sem sa mga sinehan sa April 26.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top