Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Babaerong mister pinutulan ni misis
Babaerong mister pinutulan ni misis

Babaerong mister pinutulan ni misis

ILOILO CITY – Pinutulan ng ari ng kanyang misis ang isang lalaki sa Brgy. Bancal, Carles, Iloilo, kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Mark, 32-anyos, residente sa nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat ng pulis-ya, natutulog ang biktima nang putulan siya ng ari ng kanyang misis gamit ang gunting.

Ito ay nang mapuno ang suspek sa madalas na paglalasing at pambababae ng biktima.

Patuloy na pinagha-hanap ang kaputol ng ari ng mister, habang napaiyak na lamang ang biktima sa nangyari.

Ang suspek ay nilalapatan ng lunas sa Western Visayas Medical Center.

Ang mag-asawa ay mayroong tatlong anak.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved