Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 paslit minolestiya, suspek pinalaya ng pulis
3 paslit minolestiya, suspek pinalaya ng pulis

3 paslit minolestiya, suspek pinalaya ng pulis

NAHAHARAP sa kasong rape ang isang 27-anyos lalaki makaraan ireklamo ng mga magulang ng tatlong batang babae na kanyang minolestiya sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Rolan Macauyam, residente sa Purok 5 Kawal, Brgy. 28, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nitong Miyerkoles nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng suspek ngunit kahapon lamang nadiskobre makaraan dumaing ng pananakit sa ari ang biktimang si Tessa, 6-anyos, habang pinaliliguan ng ina.

Pagkaraan, nadiskobre na minolestiya rin ng suspek ang dalawang batang sina Gigi, 10, at Joyce, 4-anyos.

Kuwento ni Tessa, naglalaro siya sa loob ng bahay ng suspek kasama si Joyce na pamangkin ni Macauyam, nang lapitan sila at dinala sa loob ng silid saka pinaglaruan ang kanilang mga ari.

Dagdag ni Tessa, pinasukan ng suspek ng piso ang kanyang ari at kinuhaan ng video.

Nang mabatid ang sinapit ng bata, agad nagtungo ang ginang sa barangay hall at doon ay dumating ang ina ni Gigi na naghain din ng reklamo laban sa suspek.

Dinala ng mga barangay tanod ang suspek sa Women and Children’s Desk (WCD) ng Caloocan PNP, ngunit sinabi ng mga imbestigador, palalayain si Macauyam dahil lagpas na sa takdang oras ng pag-aresto at pinayuhan ang mga magulang na maghain ng demanda.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved