Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bakit paborito raw ng MPD Sibama PCP ang Elias St., Sta. Cruz Maynila? (Attn: MPD DD Joel Napoleon Coronel)
Bakit paborito raw ng MPD Sibama PCP ang Elias St., Sta. Cruz Maynila? (Attn: MPD DD Joel Napoleon Coronel)

Bakit paborito raw ng MPD Sibama PCP ang Elias St., Sta. Cruz Maynila? (Attn: MPD DD Joel Napoleon Coronel)

‘Yan po ang tanong ng ilang matatandang residente na naninirahan sa nasabing lugar.

Suki na raw kasi ng SIBAMA PCP ang mga eskinita at sulok ng Elias St., Sta. Cruz, Maynila, reklamo ng mga antigong residente sa naturang lugar e Sta. Cruz ang kanilang address at hindi naman Sampaloc!

Ibig sabihin nga naman e sakop o AOR ng MPD PS3 ang nasabing lugar, kapiraso lamang raw kasi ang PASOK ‘este nasasakupan ng MPD PS4 SIBAMA PCP.

Kaya nagtataka sila kung bakit pati lupa ng may lupa e tinatawid at pasok raw sa banga?!

Lagareng hapon umano ang SIBAMA PCP pero nagtataka ang mga residente, bakit madalang pa sa patak ng ulan na may mahuling tulak ng droga sa kalye Elias!?

Notoryus umano ang dalawang PO1 mula sa SIBAMA PCP dahil sa loob ng isang araw e halos tatlong beses na nagpapabalik-balik sa ilang haybol at eskinita sa lugar?!

MPD chief, Gen. Napoleon Joel Coronel sir, may info na ilang tulis ‘este pulis ang umaaktong financier sa mga tulak ng ilegal na droga sa nasabing lugar?!

Madaling makapa ang mga ‘yan sir, paki-postehan lang ang mga tulak na sina alias Hazel, Willy at mga dagang-dingding na mayroong palarga kaya namumunini na naman sa droga ang nasabing area.

Ito ang isang malaking problema ng MPD PS3 sa nasasakupan nilang lugar na ‘yan, bunsod ng ‘PALARGA’ ng mga nabanggit na nagbebenta ng droga na nasa lupa ng SIBAMA PCP at tumatawid hanggang sa AOR ng PS3.

MPD DD CSupt. Jigz Coronel, kayo na po ang maghusga at mag-imbestiga!

TOP ROYAL OPEN ULIT
SA SEX TRAFFICKING

SIR Jerry, malakas talaga ang Top Royal Sauna sa Tomas Mapua at Ongpin streets, bukas na naman. Pamangkin ko nagkasakit ng tulo d’yan. Dapat ipasara na ‘yan ni Mayor Erap!

+63915821 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Imbestigahan ang ‘Pindot System’ sa BI (Paging: SoJ Leila de Lima)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved