Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Racket na pamimitsa sa BJMP Taguig muli na namang namamayagpag
Racket na pamimitsa sa BJMP Taguig  muli na namang namamayagpag

Racket na pamimitsa sa BJMP Taguig muli na namang namamayagpag

Buhay na naman pala ang ‘mapagpalang’ raket diyan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito po ‘yung tinatawag na ‘escort fee.’

Ganito ang sistema, kapag may naka-schedule na trial hearing ang inmate, kailangan nilang magbigay ng P1,500 o mas higit, para prayoridad sila sa mabibigyan ng escort at maisasakay sa BJMP service.

Kapag walang P1,500, sorry na lang ang preso dahil hindi siya makadadalo sa kanyang hearing. Kung lagi siyang hindi makadadalo, malamang madesisyonan ang kaso niya in absentia o mas tatagal ang kaso?!

Pero kung ang preso ay mapera at maimpluwensiya, sila ang priority kikilan sa escort at service ng BJMP.

E paano kung walang pera ang inmates?!

Sorry na lang sila, malalaman na lang nila na ibibiyahe na lang sila sa Bilibid dahil hindi nila naipagtanggol ang kanilang sarili.

Hindi na bago ang ganitong raket.

Hindi ba’t nabisto rin ‘yan noong panahon ng nasirang DILG Secretary Jesse Robredo sa mga Ampatuan?!

Hindi ba’t nagpatupad ng matinding balasahan sa BJMP?

Ngayon, BSDU as in balik sa dating ugali ang mga taga-BJMP Camp Bagong Diwa, Bicutan!?

J/CSsupt. Romeo Sindingan Elisan Jr., Sir, paulit-ulit lang ba ang raket na ginagawa ng mga tauhan ninyo pero parang wala lang kayong pakialam?

Bakit?!

Kasama ka ba sa nakikinabang sa raket na ‘yan?! O baka naman bukol-bukol ka na riyan?!

Pakisagot lang General Elisan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  ‘Sunog’ ni Sandra Cam umabot kay Atong Ang?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved