Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Preso kinalbo, ginulpi, kinikilan (DSOU gestapo ng QCPD)
Preso kinalbo, ginulpi, kinikilan (DSOU gestapo ng QCPD)

Preso kinalbo, ginulpi, kinikilan (DSOU gestapo ng QCPD)

INALMAHAN ng abogado ang paglabag sa karapatang pantao at extortion ng Quezon City Police District-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU), sa 21 suspek na dinakip sa akusasyong cybersex sa Quezon City, kamakailan.

Ayon kay Atty. Berteni “Toto” Causing, legal counsel ng mga suspek, kinalbo ang kanyang mga kliyente ng mga pulis habang nakapiit sa QCPD-DSOU, nang labag sa kanilang kalooban.

READ MORE:  Vanity tax binawi ng solon

Bago ang pagkalbo sa mga suspek na nakade-tine na pawang lalaki, hi-ningian muna sila ng tig-P2,000 para hindi sila kalbohin.

Ngunit laking gulat ng mga suspek dahil makaraan nilang magbi-gay ng pera ay isa-isa silang kinalbo at ginulpi sa naturang selda.

READ MORE:  Kelot itinumba sa gas station  

Balak magsampa ng administrative case ni Causing at saka isusu-nod ang criminal aspect laban kay Supt. Rogarth Campo, hepe ng nasabing unit.

Sa panayam ng HATAW kay QCPD district director, C/Supt. Guillermo Eleazar, sinabi niyang hindi sila ang nagkalbo kundi ang mga suspek mismo ang nagkalbo sa kanilang sarili gamit ang isang razor.

READ MORE:  Liban ng SK polls aprub

Mariin din niyang itinanggi na nagkaroon nang panggugulpi at extortion sa mga suspek.

(JETHRO SINOCRUZ)

COMMENTS

About Jethro Sinocruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved