Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / HIV Test sa mga preso (Attn: Secretary Ubial)
HIV Test sa mga preso (Attn: Secretary Ubial)

HIV Test sa mga preso (Attn: Secretary Ubial)

NAUULIT ang karanasan ng Carandiru sa ating bansa. Ang Carandiru Penitentiary ay isang bilangguan sa Brazil na nagkaroon ng matinding massacre noong 1992 bago tuluyang buwagin noong 2002.

Ang rason: hindi na nakontrol ng mga awtoridad ang kaguluhan at talamak na pagkalat ng HIV/AIDS sa bawat preso.

Isinulat ito ng doktor na si Dr. Drauzio Varella at doon ibinase ang isang pelikula.

Sa nangyayari ngayon sa loob ng iba’t ibang bilangguan sa ating bansa, naniniwala tayo na hindi lamang Cebu City Jail ang mayroong ganitong kaso.

Tiyak na mayroon ding ganitong kondisyon sa iba pang bilangguan.

Sa ganang atin, isa ito sa dapat pagtuunan ng pansin ng Department of Health.

Maglaan ng pondo para sumailalim sa HIV test ang bawat preso. At kailangan din pondohan para iligtas sila sa kamatayan.

Alam natin na matagalan ang gamutan sa HIV/AIDS, maaari rin mamatay kapag hindi naipagamot kaagad.

Seryosong problema ito na dapat harapin ng DOH at ng mga kaugnay na ahensiya gaya ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Mail Management and Penology (BJMP).

Hangga’t maaga, Health Secretary Paulyn Ubial, harapin na po ninyo ang problemang ito…

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Pam-PR ni Erap kinakatkong at ibinubulsa

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved