Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / FYI: Isyung may kambal na anak si Marlon Stockinger una at exclusive na lumabas sa Hataw
FYI: Isyung may kambal na anak si Marlon Stockinger una at exclusive na lumabas sa Hataw

FYI: Isyung may kambal na anak si Marlon Stockinger una at exclusive na lumabas sa Hataw

MAY ilang nagki-claim na sila ang unang nagpasabog ng balitang may kambal na anak na parehong girl ang sikat at controversial na car racer sa bansa na nobyo ni Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger.

Bagamat hindi namin pinangalanan ang modelong si Kit Barraquias, na mother ng twins ni Marlon, ang inyong kolumnista ang unang naglabas ng explosive na istorya tungkol sa pagkakaroon ng anak ng boyfriend ni Pia.

Katunayan, ito ay naging isa sa banner headline ng issue ng Hataw D’yaryo ng Bayan No.1 sa Balita noong Pebrero 10.

Makalipas ang dalawang linggo pagkatapos lumabas dito sa aming Vonggang Chika column ang nasabing news item ay isinulat ito ng kasamahan sa panulat na si Ador Saluta sa pahayagang Balita atbp.

Sa event ng Downy na dinaluhan ni Pia, bilang latest celebrity endorser ng nasabing brand ng fabric conditioner ay kinuyog siya ng mga blogger, showbiz writers at ilang TV field reporters. Pinasagot sa kanya ang nasabing isyu.

READ MORE:  Mag-inang Mystica at Stanley parehong may malalang sakit (Patuloy ang panawagan at paghingi ng tulong)

021017_FRONT
Medyo nagtaray pa ang ating Miss Universe at sinabi sa kanyang interview na sana bago magsulat ang reporter ay i-check muna ang kanyang facts kung tama o mali para hindi masira ang kredibilidad.

Agad naman naming niresbakan at hinamon si Pia dito sa aming column na she’ll better check her facts at saka paimbestigahan na rin niya ang personal background ng karelasyong racer driver.

Ang PEP naman ay masyadong naging masigasig sa research nila, sa identity ni Kit at at lumabas ang interview nila noong March 30. Walang halong pagyayabang pero ang kredito ng malaking news na ito ay dapat ibigay sa inyong lingkod lalo sa Hataw ng aming mabait, masipag at respetadong publisher businessman na si Sir Jerry Yap.

READ MORE:  Willie, mapapanood na sa WowoWin sa GMA7

Makakaasa ang lahat ng aming mambabasa ng mas marami pang makatotohanan at patas na eksplosibong balitang showbiz ang kanilang mababasa rito sa ‘Vonggang Chika!’

PAGIGING MOTHER-DAUGHTER
NINA HEART AT DRA. GIA LANA
RAMDAM NA NG TV VIEWERS
SA NO.2 FANTASY-DRAMA
TV SERIES NA “MY DEAR HEART”

Habang ayaw tumigil ni Mr. Roger Cortesano (Johnny Revilla) sa pagtuklas ng multo sa kanilang pag-aaring hospital ni Dra. Margaret (Coney Reyes) ay unti-unti namang nabibigyang linaw kung akit ganoon na lang ang concern at pag-aalaga ni Dra. Gia Lana (Ria Atayde) kay Heart (Nayomi Ramos) na parehong pasyente nila ng mommy si Margaret. Apaw-apaw na kaligayahan ang makikita sa mukha ni Dra. Gia, tuwing pinagbibigyan siya ni Heart na mayakap niya ang kaluluwa nito.

Ramdam ang lukso ng dugo sa pagitan ng totoong mag-ina na dahil sa pagmamaniobra noon ni Margaret sa personal na buhay ni Gia ay nabubuhay ngayon ang anak sa kasinungalingan at paniniwalang patay na ang anak niya at ni Jude (Zanjoe Marudo).

READ MORE:  Ryza, kinondisyon muna ang sarili bago nag-masturbate

Gagawin ni Gia ang lahat para mabuhay si Heart ganoon rin si Margaret na walang sawang tinutulungan si Heart at ang pamilya nito. Walang kamalay-malay ang nasabing doktora na ang madalas na kausap na kaluluwa at ang matagal na nawawalang apo ay iisa pala at ito ay si Heart na patuloy na tinutulungang maka-survive sa coma.

Kaya’t mas pakatutukan at huwag bibitaw sa mas lalong pa-intense na pa-intense na mga tagpo sa My Dear Heart na napapanood weeknights after ng ayaw ding bitawan ng milyon-milyong manonood sa buong mundo na FPJ’s Ang Probinsyano, ng Hari ng Telebsiyon na si Coco Martin sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved