Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sabungero nagbaril sa ulo (Sa VIP room ng Caybiga Cockpit Arena)
Sabungero nagbaril sa ulo (Sa VIP room ng Caybiga Cockpit Arena)

Sabungero nagbaril sa ulo (Sa VIP room ng Caybiga Cockpit Arena)

WINAKASAN ng isang sabungero ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng air-conditioned room ng isang sabungan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Robertson Dela Cruz, 30, ng Malinis St., Valenzuela City, sa tama ng bala ng Glock .40 na natagpuan sa lugar.

READ MORE:  Multi-billion contract na ballistic vest ng AFP babawiin (Sa foreign supplier)

Batay sa ulat ng security guard na si Eugenio Caridad, ng Caybiga Cockpit Arena, 14 Caybiga St., Brgy. 166, dakong 2:30 pm nang makarinig ng isang putok sa baril  sa loob ng sabungan.

READ MORE:  Health care professionals, susi sa ating pag-unlad — Roxas

Sa ulat ni Caloocan Police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna, dakong 6:00 am nang pumasok sa sabungan ang biktima na  may dalang dalawang panabong na manok.

READ MORE:  Sundalo patay sa ambush sa Maguindanao

Sinabi ni Caridad, hindi nila napansin kung nakapusta pa ang biktima hanggang makarinig sila ng isang putok ng baril sa loob ng VIP room ng sabungan.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved