Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pag-akyat sa Banahaw sa Holy Week bawal
Pag-akyat sa Banahaw sa Holy Week bawal

Pag-akyat sa Banahaw sa Holy Week bawal

 

NAGA CITY– Muling nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-akyat sa Mt. Banahaw sa Quezon Province sa darating na Semana Santa.

Ayon kay Dr. Henry Buzar, head ng PDRRMO-Quezon, bawal pa rin ang pag-akyat ng mga deboto, maging ang mga turista na bibisita sa naturang bundok.

READ MORE:  Kaanak ng plane crash victims naghain ng kaso

Ayon kay Buzar, layunin nitong papagpahingahin muna ang Mt. Banahaw at mapanatili ang kalinisan sa lugar.

Aniya, hanggang sa paanan ng bundok puwedeng pumunta ang mga deboto para magdasal.

READ MORE:  Tumira ng sex booster lolo sinaksak ng misis na lola

Inaasahang magsisimulang bumuhos ang libo-libong deboto sa araw ng Lunes, 10 Abril hanggang Biyernes Santo, 14 Abril.

Napag-alaman, dinarayo ang nasabing lugar dahil sa isang talon na pinaniniwalaang nakagagaling ng mga karamdaman.

READ MORE:  Rantso inayawan ni Bong

Isa aniya sa mga iniiwasan ng mga awtoridad ang maulit ang nangyari noong taon 2014, na nasunog ang halos 100 ektarya ng bundok dahil sa mga nananampalatayang gumamit ng apoy habang nananatili sa itaas ng bundok.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved