Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hearing sa petition for annulment ni Sunshine, postponed na naman
Hearing sa petition for annulment ni Sunshine, postponed na naman

Hearing sa petition for annulment ni Sunshine, postponed na naman

MEDYO malungkot din naman si Sunshine Cruz dahil hindi na naman natuloy ang hearing ng kanyang petition for annulment matapos na hindi sumipot ang abogado ng kanyang “ex”. Postpone na naman iyon hanggang sa June. Sa parte kasi ni Sunshine, wala na siya halos hinihingi sa kanilang paghihiwalay ng kanyang”ex” dahil nasusuportahan naman niya ang kanyang sarili, ganoon din ang kanyang mga anak. Ang gusto na lang niya makuha ay ang annulment.

READ MORE:  Melai, ‘di raw nag-e-expect na maging grand winner sa YFSF
READ MORE:  Singing career ni Kiel Alo, ilulunsad sa It’s My Turn concert

Hindi naman nangangahulugan iyon na mag-aasawa na siya agad kung makakuha siya ng annulment, kaya nga lang gusto naman niyang ma-plano nang husto ang kanyang buhay hanggang maaga, para naman  maayos na ang kanyang kasunod na relasyon.

READ MORE:  Iza Calzado Kapamilya star pa rin (‘Di pa rin babalik sa dating TV network)

“Basta ako natuto na. Hindi puwede sa isang relasyon ang puro puso. Kailangan may isip din lalo na nga ngayon na may tatlo na akong Maria,” sabi ni Sunshine.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved