Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea Cuya, ipinagmamalaki ang pelikulang Bubog
Andrea Cuya, ipinagmamalaki ang pelikulang Bubog

Andrea Cuya, ipinagmamalaki ang pelikulang Bubog

KAPUPULUTAN ng aral at napapanahon, iyan ang pahayag ni Andrea Cuya ukol sa pelikula nilang Bubog (Crystals) ni Direk Arlyn dela Cruz. Si Ms. Andrea ang isa sa producer ng pelikula na ukol sa nangyayaring giyera ngayon sa ating bansa kontra sa droga.

“May-aral po itong movie, kaya dapat po talaga itong panoorin. Very timely siya talaga sa nangyayari ngayon. Hands-on po ako rito dahil first film ko po ito at enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko,” saad niya.

READ MORE:  Movie nina Piolo at Toni kumita ng 25 million sa first day (Star Cinema No. 1 na naman sa takilya! )

Bakit mo naisipan na mag-produce ng pelikula? “Kasi una, naniniwala po ako sa kakayanan ni Direk (Arlyn), magkaibigan nga po kami. Pangalawa, as a businesswoman nga po, alam ko na nararapat itong ipakita, di lang po sa Manila, kundi sa buong mundo. Kasi ang vision ko dito is gawin itong International.”

READ MORE:  Heart, matagal nang may collection ng Hermes bags

Nabanggit din niyang si Coco Martin ang favorite niyang aktor, kaya inusisa namin kung posible bang sa susunod na pelikula nila ay pangunahan ito ng bida sa FPJ’s Ang Probinsyano?

READ MORE:  Mariel de Leon, tiyak mangangabog sa Binibining Pilipinas 2017

“Si Coco Martin, natutuwa ako sa kanya dahil simple siya pero ang lakas ng dating niya. Malay nyo mayroon pa tayong Bubog part 2 at si Coco ang bida,” nakangiting saad pa ni Ms. Andrea.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved