Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JaDine, inireklamo ng produ; fans, pinaghintay
JaDine, inireklamo ng produ; fans, pinaghintay

JaDine, inireklamo ng produ; fans, pinaghintay

SPEAKING of JaDine US Tour, may hinaing ang producer ng San Francisco, California na si Elaine Crisostomo sa kanyang Facebook account. Sa mga hindi nakakaalala, si Elaine ay dating naugnay kay Desiree Del Valle.

Narito ang kanyang Official statement of the Jadine Tour:

First: OJD – entablado (pangalan ng production niya) doesnt handle the program of  Viva. Sila po ang humahawak ng program nila, never kong nakita or pinakita man lang sa akin kong anong mangyayari sa concert ko. Maiksi talaga ang show, dahil nagsho- show din ako. Viva holds this responsibility not Entablado. Taga- bili lang ako ng show nila, sila ang program.

Second: LUNCHDATE with JaDine,

Unang una , hindi ako magpo- promote sa FB ko publicly or maniningil kong hindi alam ng Viva at ng promoter.

I also waited ng ilang oras sa baba ng lobby.

Attached are the text message ng mga tour manager at promoter na bababa na.

Nasa second floor lang naman ang mga artista at nakikiusap ako kong pwede kahit bumaba lang.

Third: PHOTO-OPT kong nakakapunta kayo sa iba kong concert napakaluwag ko sa photo opt, VIVA at NY entourage din po ang namahala sa photo opt.

Overall: walang nagawa ang production company ko kasi sila lahat ang nasunod:

4 days ko kasama ang JaDine not even once nakausap ko or nakapagpa- picture man lang ako dahil laging wala, laging late umuuwi, napakahigpit ng mga alalay nila, madaming bawal. Producer ako, binili ko ang show pero hindi man lang ako nirespeto ng mga tao/artistang dumating sa SFO. Kahit na 5mins man lang na pag baba sa lunch date ng fans , wala!!!! Ginawa nilang tanga lahat ng tao dito sa SFO.

Mga volunteers ko ilang araw walang tulog, ilang araw nag absent sa mga trabaho nila, para lang makatulong sa entablado not even a thank you from the artist , WALA! Kung utos- utosan pa akala nyo mga katulong ninyo.

Photographers and videographer, bawal daw picturan kasi property of Viva.

Videographer ko galing pang Bakersfield, ano to ginto artista nyo. Photographers ko OMG was kicked out also!!’Wala akong nagawa sa concert ko, dahil over power nila ako.

Ilan beses na din nilang ginawa ang hindi pagsipot sa lunch date ng ibat ibang state?

Ugali ba talaga ito ng JaDine ang hindi makipag minggle sa fans or and management nila?

Kayo na ang humusga.

#notAlways”

Dugtong pa ng kanyang post sa FB: “Isa lang naman kaya ako nag- official statement! Dapat hindi na dinamay ang fans, dapat hindi nila pinaasa ang fans nila.

I heard 10:30am palang bihis na ang mga artista for the brunch date. I was also downstair waiting for them, they keep on textig me bababa na, hangang sa naging 3 hours wait, hangang nalaman ko nagpabili na na ng food sa second floor na kuwarto nila.

Alam ng JaDine na nag- aabang ang fans nila sa baba at hindi biro ang byahe ng mga ‘yun. Some came from Puerto Rico, Iceland etc. Kung talagang may malasakit sila sa FANs nila kahit pag bawalan sila, sila mismo mag insist na bababa , 5 minutes na nga lang hiningi ko sa kanila kahit wala ng brunch makita lang sila sa lobby,

After pag antayin ng mahigit 5 hours ang mga fans, may mga ilan pa din naiwan sa lobby baka sakaling makita sila kasi papunta na sila sa venue,

Ang mga alalay , dinaan sila sa sidedoor ng hotel, talagang sinadya nilang ‘wag ipakita sa mga FANS kaya ako nangigigil ,

Tapos ngayon FANS pa din ang nang babash sa akin, pinaglalaban ko ang karapatan ninyo.

Bilang tao.

#NotAlways #willneverStop #gintoArtistaNila”

Habang ïsinusulat namin ito ay humihingi kami ng official statement mula sa pamunuan ng Viva. Bukas ang column na ito sa panig nila, ng JaDine para sa ikalilinaw ng isyu.

May isang netizen na nag-comment sa post ni Elaine na  i- post niya na nag-agree ang Viva sa lunch with the fans to show proof also, that way it’s clean slate on the Artist and Viva na ang may fault for not showing up.

Bakit may ganitong reklamo ngayon sa JaDine sa rami na ng shows na napuntahan at wala naman silang fans na na-snub? Hindi kaya nagkaroon lang ng miscommunication?

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved