Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Tirador’ sa BoC-PoM
‘Tirador’ sa BoC-PoM

‘Tirador’ sa BoC-PoM

BELATED happy birthday muna sa ating idol, President Rodrigo Duterte. Pagpalain ka po lagi ng Panginoon, mahal na Pangulo.

Mabuhay po kayo!

***

Binabati ko rin ang NBI sa patuloy na accomplishment sa paghuli at pagtugis sa mga kriminal dito sa ating bansa.

Wala talagang sinisino si NBI Director Atty. Dante Gierran pagdating sa trabaho.

Ang ginawa niya ay inilagay sa probinsiya ang mga may bad record na ahente niya. Rigodon para lalo pang mapaganda ang serbisyo publiko ng NBI.

***

Sa BOC Port of Manila (POM), tila ibinebenta ang kaluluwa pagdating sa posisyon at pera. May ilang customs official kasi riyan partikular ang babaeng abogada na masyado pa ring corrupt.

READ MORE:  Globe Asiatique owner Delfin Lee binabakalan nga ba ni VP Binay?

Sa customs assessment, mapapansin ang mga corrupt na empleyado.

May isang abogada na kinabit pa ang tauhan niya para magkapera silang dalawa kasi magaling gumawa ng kuwarta.

Sa POM Assessment, uso pa rin ang palundagan (misclassification) diyan sa mga kargamento para makaiwas sa tamang buwis.

Ang number 1 pasimuno sa ‘patalon’ raket ay isang alias JAR-AR TULETINO sa POM.

Puro ‘SPECIAL’ ang trabaho nito dahil walang import permit at peke ang AFTA.

READ MORE:  Mga muni-muni tungkol sa mga espirito’t multo

Sa Section 1, nagkalat pa rin ang mga tirador na Customs. Ganoon din sa Section 4 na isang alias penapel ang nagmamani-obra.

***

Apat na grupo ngayon ang malalakas sa Customs na nagyayabang na hindi raw sila magagalaw dahil sa isang patron nila na congressman!?

Ang ganda ng ginagawa ni Pangulong Duterte at Comm. Nick Faeldon sa customs pero  sinisira ng ilang tulisan sa assessment division ng POM.

***

Dapat tugisin ng NBI at BIR si alias JAY-AR TULETINO.

READ MORE:  Napakasipag magpakilala ni Isko Moreno

Imbestigahan ang mga mga ari-arian niya gaya ng isang malaking spa resort sa Pangasinan, mga paupahan na apartment sa Pasig. Sangkaterbang SUV na milyon ang halaga.

***

Comm. Nick Faeldon, paimbestigahan mo nga ang isang alias OHDET sa POM.

Binansagang bukol queen ng mga kasamahan niya dahil laging  tatlo ang kabig n’ya. Madalas daw sa section 4 mag-operate. Palaging pabalik-balik sa CR para sa kanyang mga transaksiyon sa mga broker.

Pakisalang na rin sa lifestyle check ang milyonarya sa section 4!

PAREHAS – Jimmy Salgado

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved