Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / “Promotion/position fee” plus monthly abutan, uso sa BFP?
“Promotion/position fee” plus monthly abutan, uso sa BFP?

“Promotion/position fee” plus monthly abutan, uso sa BFP?

NAPAKARAMI rin palang katarantaduhan sa Bureau of Fire and Protection (BFP).

Ha! Ngayon mo lang nalaman ‘dre? Masyado ka na yatang huli sa balita pero ano man, mas maigi na iyan basta’t ang mahalaga ay maiparating mo sa publiko.

Ngunit, nakapagtataka pa ba kung may nangyayaring iregularidad sa loob ng BFP? Hindi na ‘dre dahil awtomatikong mayroong kalokohan sa loob ng BFP sapagkat ahensiya iyan ng gobyerno. Alam mo naman ‘pag ahensiya ng pamahalaan ang pag-uusapan, kakambal na nito ang iregularidad at anomalya. Ganoon ba iyon? Wala bang malinis na ahensiya ng pamahalaan, kahit na isa lang?

Tulad na lamang ng BFP na inakala ng marami ang walang nangyayaring anomalya dito dahil isa lamang ahensiyang pamatay sunog o hindi kaya ang alam ng nakararami na anomalya sa BFP ay pagnanakaw (ng ilan)  bombero sa mga bahay na nasusunog o kumikita sila sa pagbebenta ng fire extinguisher na mahipit na ipinagbabawal.

Nito namang mga nagdaang linggo, hindi natin tinigilan ang pagbubunyag sa kalokohan sa BFP – ang pagbubulsa ng ilang opisyal sa travel allowance ng mga fire safety inspector. Umaabot hanggang P50 milyon kada taon ang naibubulsang allowance.

READ MORE:  Tuliro, nataranta sina Erap at Isko

Kamakailan, tinanong  natin sa pamunuan ng Quezon City-BFP na pinamumunuan ni FO1 este F/Sr. Supt. Pala… (sorry sir) Manuel M. Manuel kung ganoon katotoo na nangyayari ang anomalya sa kanyang ahensiya.

Katahimikan ang kasagutan ng mama. Pero may mga info tayong nakalap na inaalam ng ilang opisyal ng QC Fire kung sino ang nagbibigay ng impormasyon hinggil sa pagbubulsa ng milyon-milyong travel allowance.

Nakalulungkot ngang malaman na ilang kasamahan sa hanapbuhay ang ginagamit ng ilang opisyal para alamin kung sino ang source natin. Mayroon pang mga kasamahan na kung ano-ano ang sinasabi sa  ilan opisyal ng BFP laban sa ibinunyag natin para lamang maging pogi sila sa opisyal at… para maabutan o kumita ng baryang P500 cash o gas slip mula sa kaban ng bayan.

Mga bugok!

Si BFP National Capital Regional Office director, Sr. Supt. Neil Kwan Tiu, ba’t kaya tameme ang mama para alamin kung totoo ngang naibubulsa ang milyon-milyong halaga ng travel allowance para sa mga FSI? Hindi naman siguro  nakikinabang dito si Tiu. Hindi naman ‘di ba sir?

READ MORE:  Sa libingan ng mga bayani si Makoy — Digong (Tama na, sobra na, ilibing na!)

Pero ito lang naman ay kung totoong naibubulsa ang travel allowance sa loob nang walong (8) taon.

Anyway, dumarami ang nagpupukol ng impormasyon sa inyong lingkod hinggil sa mga nangyayaring anomalya sa BFP.

Heto nga, sinasabi na maraming opisyal (daw) sa BFP ang  hindi “well deserving” sa kinauupuan nilang “juicy position” ngayon.

Ha! Totoo ba ito Director Bobby V. Baurelo, BFP national director?

Marami (raw) opisyal sa BFP ang hindi nararapat sa kanilang posisyon…dahil kanilang ‘binili’ – ang posisyon o promosyon. Gano’n? Nakahihiya kung totoo ito. At siyempre, kung totoo man ito, tiyak na ito ang isa sa dahilan kaya mayroong korupsiyon sa BFP.

Pangulong Digong, mukhang nakaliligtaan yata ninyo ang BFP? Lumingon din po kayo sa kaliwa Pangulo.

Totoo bang uso sa BFP ang promotion fee at position fee? Ayos ha! E magkano naman ang involved na salapi rito, kung totoo ang info?  Depende raw sa usapan iyan. Totoo kaya na ang usapan dito ay P20,000 hanggang P50,000 para sa regular promotion  habang P100,000 hanggang P200,000 naman para sa tinatawag na lateral promotion?

READ MORE:  Ejercito, Gomez at Zamora labo-labo na sa San Juan City?

Ngunit, higit na maintriga ang pinag-aagawang posisyon para sa “position fee” ay fire marshal at hepe ng fire safety enforcement section. Bakit kaya?  Juicy position yata iyan.

Magkano naman kaya ang usapan dito? Mas mataas siyempre P200,000 pataas plus… monthly na abutan sa regional office at national office.

Abangan ang buong detalye sa susunod.

May nakapagbulong sa inyong lingkod na well deserving naman daw sa kanyang posisyon

ngayon si F/ Sr. Supt. Manuel. Hindi raw binili ni Manuel ang kanyang posisyon. Wala naman akong sinabing binili ni Manuel ang kanyang posiyon at sa halip, sinasaluduhan nga natin ang mama.

Congrats Apo!

Pero, Lakay ano na’ng balita sa pagbubulsa sa travel allowance ng mga FSI?

Totoo ba ito?

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved