Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Noynoy et al pinananagot sa Kidapawan massacre
Noynoy et al pinananagot sa Kidapawan massacre

Noynoy et al pinananagot sa Kidapawan massacre

HINATULAN ng People’s Court o Kangaroo Court ng National Democratic Front – Southern Mindanao Region (NDF-SMR) si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa madugong dispersal ng barikada ng mga magsasaka sa Kidapawan noong 1 Abril 2016 — na tinawag na Kidapawan massacre.

Bukod kay Noynoy, ipinaaaresto rin ng NDF sina North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista at North Cotabato Nancy Catamco dahil sa madugog dispersal sa barikada ng may 6,000 magsasaka na ikinamatay ng dalawang sibilyan, seryosong pagkasugat ng 34 biktima at pag-aresto sa 79 katao.

READ MORE:  Balewalang karangyaan

Si Noynoy et al ay ipinaaaresto ng NDF-SMR dahil guilty sa war crimes, crimes against humanity at seryosong paglabag sa international humanitarian law at human rights law.

Ibinaba ng NDF-SMR ang kanilang hatol kay Noynoy sa pagsisimula ng 4th round ng peace talks sa The Netherlands.

READ MORE:  LTFRB AT DepEd magaling lang kapag may nagaganap na trahedya at sakuna

Matutuwa ang mga biktima sakaling magkaroon ng pagkakataon na ‘madakip’ ng New People’s Army (NPA) ang pinananagot na dating Pangulo.

Pero ang tanong, ano ang magiging implikasyon nito sa nagaganap na peace talks. Hindi komo magkalaban sa politika ay hahayaan ng kasalukuyang administrasyon na sumailalim at patawan ng parusa ng Kangaroo Court si Noynoy, tiyak na mitsa ito sa isa pang maigting na labanan.

READ MORE:  “Lambat Sibat” sa Marikina, kakaiba?

Marami ang naniniwala na may dapat panagutan si Noynoy, pero mas makatarungan kung ang lilitis at hahatol sa kanya ay isang legal na korte.

Ang desisyon ng People’s Court o Kangaroo Court ng NDF-SMR ay malinaw na sampal sa mukha ng legal na korte sa bansa na tila nagsasabing pinababayaan nilang maranasan ng maraming mamamayan ang kawalan ng katarungan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved