Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / NDFP ‘pag kumalas air strike itatapat (‘Giving all’ sa peace talks kondisyon ni Duterte)

NDFP ‘pag kumalas air strike itatapat (‘Giving all’ sa peace talks kondisyon ni Duterte)

040417_FRONT
HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na iutos sa militar na maglunsad ng air strikes sa mga kuta ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kapag mu-ling bumagsak ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

“I will utilize the air assets. Before it was not really a popular, well, choice, option kasi… But this time ‘pag hindi tayo nagkaigi rito, I will not hesitate to use the full power of the state,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Baden Powell day (founder’s day) ng World Scout Organization of the Scout Movement and investiture ceremony ng Boy Scouts of the Philippines (BSP). Muling iginiit ng Pangulo, may mga kondisyon siya bago lagdaan ang bilateral ceasefire agreement, na pangunahing agenda sa fourth round ng peace talks sa Netherlands.

READ MORE:  416 bala kompiskado sa pasahero sa NAIA
READ MORE:  3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)

Kasama sa mga kondisyon ng Pangulo, ang magkaroon ng malinaw na parameters o terms of reference (TOR) para sa ceasefire, hindi kikilanin ng gobyerno ang idineklarang teritoryo ng CPP-NPA-NDFP, kaila-ngan itigil ng mga rebelde ang koleksiyon ng revolutionary tax, at pagsunog sa mga ari-arian, at da-pat palayain ang lahat ng bihag ng mga rebelde.

“As you will agree with me, the forging of the ceasefire agreement is not about “giving in” or “gi-ving up”, it is about “gi-ving all” for peace. This is the covenant of President Duterte to our people. And as peace workers ourselves, we should be one with him,” ani GRP panel chief Silvestre Bello III, sa kanyang opening statement sa umpisa ng 4th round ng peace talks sa The Netherlands kahapon.

READ MORE:  Sigalot sa West PH sea muling idudulog ni PNoy sa ASEAN

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved